Hindi naman nagpapaka-kontrobersyal si Heart Evangelista nang turan niya sa kanyang game show na The People Have Spoken, na mas gugustuhin niya umanong magkaroon ng maraming pera kesa mga kaibigan.
Sa naturang game show ay may survey nga hinggil sa pagkakaroon ng maraming pera versus kaibigan at nag-opinyon nga ang matalino at magandang host na para sa kanya ay mas nais na niyang magkaroon ng maraming pera kesa mga friends.
Ayon pa kay Heart, dahil wala iilan lang naman daw talaga ang maituturing niyang mga “closest and reliable friends” na meron siya, she’d rather have plenty of money if siya ang sasagot sa naturang question o proposition.
Mixed naman ang naging reaction ng netizen.
May mga nagsasabing kaya daw pala malungkot ang buhay ng actress-host fashion icon dahil sa ganyang prinsipyo at meron namang nagsasabi na kahit kailan naman daw kasi ay hindi naranasan ni Heart ang maging mahirap o mawalan ng pera.
May mga opinyon namang nagiging praktikal lang daw ang aktres lalo’t sa istilo nga ng kanyang buhay ay isang malaking kasalanan ang mawalan ka ng pera o kaunti lang ang pera mo.
“She’s just being true to herself. Aminin na natin, dumarami lang din ang mga kaibigan mo kuno kapag may pera ka. Lahat sila kilala ka o sumasaludo sa’yo. Pero once mawalan ka na nito, da hu ka na?,” komento ng marami.
Hirti naman ng iba pa, “At saka hindi ka naman selfish kung talagang yung pinagpaguran mong pera ay gagastusin mo sa sarili mo at sa mga bagay o tao na gusto mong pagkagastusan. Aanhin mo pa ang mga iyan kung tigok ka na, o di kaya’y maysakit na at wala ng value ang pera? Tama naman, yung mga kaibigan nandiyan ang mga iyan, basta may pera ka. Ikaw na nga lang ang mag-de-define kung anong klaseng mga friends iyan. At least sa tanong, mas pipiliin mo siyempre na magkaroon ng plenty of money over having plenty of friends.”
Simula ng maiskandalo si Heart sa usaping pera dahil sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero, marami ang nakakapansin na mas naging vocal at opinionated ang actress-host sa mga pinansyal at pulitikal na bagay.


