Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bagong Benoni Port facilities pinasinayaan ni Marcos

CAMIGUIN – Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang bagong Light Craft Landing Station at Operations Building ng Benoni Port sa Camiguin para palakasin ang turismo, negosyo at biyahe sa lalawigan.

Binigyang-diin ni Marcos ang papel ng moderno at episyenteng pantalan sa paggalaw ng mga tao, produkto at serbisyo sa isang islang lalawigan.

“For an island like Camiguin, the importance of a modern and efficient port cannot be overstated, because this served as a vital link that keeps people, goods, services and therefore opportunities moving that will enable families to return home, return to their businesses to transport their products, and for fishermen to bring their catch to the market and tourists to enjoy this destination,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez na bahagi ang proyekto ng direktiba ng Pangulo na gawing moderno at world-class ang mga pantalan.

“Ang bilin sa atin ng Pangulo, dapat lahat ng ating mga pantalan ay moderno at world-class, kaya nag-iinvest tayo kasama ang Philippine Ports Authority (PPA) sa ating mga ports para mas marami ang access ng ating mga pasahero at turista sa mga tourist areas natin,” ani Lopez.

May bagong berthing facility, trestle at two-storey building ang Light Craft Landing Station. Layunin nitong dagdagan ang kapasidad ng pantalan at gawing mas ligtas at komportable ang biyahe.

Magsisilbi namang one-stop-shop para sa mga gumagamit ng pantalan ang Operations Building. Magbibigay din ito ng mas maayos na lugar para sa mga tauhan ng Terminal Management Office (TMO) at tutulong sa pagpapahusay ng port operations at serbisyo.

Pangunahing transport link ng Camiguin patungong mainland Mindanao at Bohol ang Port of Benoni. Konektado ito sa Port of Jagna at Port of Balingoan sa ilalim ng Central Nautical Highway.

Dahil sa inaasahang paglago ng ekonomiya at populasyon ng Camiguin, target na mapagsilbihan ng pantalan ang 893,071 pasahero at 174,921 sasakyan pagsapit ng 2030. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles