Halos isang taon pala ang ginugol ng mga taga-Madame Tussaud upang makumpleto at mabuo ang tinatawag ngayong “twin sister o tinawag na “Kath-twin” ng Asia’s Superstar Kathryn Bernardo.
Sa mabusising pagbuo ng pamosong wax figure, pride, happiness and more connections sa mga tao ang naramdaman ni Kath nang finally ay pinasinayaan ang paglulunsad nito.
“Nakaka-proud. Very surreal ang feeling nang makita ko ang aking kakambal. Worth the wait ang lahat,” saad ni Kathryn nang i-unveil na sa publiko ang kanyang wax figure na dadalhin sa Hongkong soon.
Naganap ang seremonya last July 9, 2026, sa Glorietta 2 Makati City kung saan dumalo ang tinaguriang Asia Superstar, pati na ang mga nagmamahal sa aktres at mga namamahala ng sikat na Madame Tussaud sa Hongkong.
Ayon kay Kath, simula daw ng makatanggap sila ng email mula sa Madame Tussaud ay inakala nilang baka prank lang, Hanggang sa imbitahan na daw sila ng team na galing pa sa UK para kunan siya ng mga sukat, videos at iba pang kailangan para magawa ang wax figure niya.
“After a year of waiting, countless measurements, and meticulous craftsmanship, here we are. Dati, hindi agad nagsi-sink in until I did a measurement. And I spent time, half of my day there. I met the team from the UK and then they matched up everything. So my ticket is reserved. Doon na nag-sink in, ‘Oh my God. It’s really happening. That I’m gonna be part of it,” kuwento ni Kath.
Ang pinagmulan daw ng naturang wax figure ay inspired mula sa kanyang naging ‘look’ mula sa 2023 Seoul International Drama Awards in South Korea, where she accepted the Outstanding Asian Star award.
Ang eksaktong original gown crafted by renowned Filipino fashion designer Martin Bautista ang nagsilbing pinag kopyahan na ngayon ay magsisilbing “living figure” ni Kath sa kilalang museum na dinarayo ng mga tao.
Saktong-sakto din ang make-up, expression, posture at hairstyle mula sa naturang look ni Kath noong 2023.
At kaya mas naging espesyal pa ito na madala at ma-i-display sa Hongkong ay gawa ng naging malaking bahagi ng pagiging Asia’s Superstar ni Kathryn ang Hongkong. Sa naturang lugar kasi kinunan ang halos 100% ng pelikulang Hello, Love, Goodbye, ang may record bilang second highest grossing local film of all time sa Pilipinas.
May mga kinunan ding eksena sa Hongkong ang naging sequel nitong Hello, Love, Again, na siya namang number one highest grossing pinoy film of all time na umaabot na sa mahigit isang bilyong piso ang box-office gross.
Ngayong July 17 na ito makikita sa Hongkong kaya’t tuwang-tuwa si Kath na nakita na ito ng kanyang pinoy fans sa Pilipinas bago pa man ito madala sa Hongkong.
Si Kathryn na ang ika-limang pinoy celebrity na mayroong wax figure sa Madame Tussaud sa Hongkong,
Kahilera na niya ngayon sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Boxing legend Manny Pacquiao, at si Award-winning actress and host Anne Curtis.
Ang legendary theater and award-winning musical artist namang si Lea Salonga ay mayroon na ding wax figure sa Madame Tussaud, pero ito’y nasa Singapore.


