Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Terrafirma hindi babaguhin ang istilo para sa Govs’ Cup

Alam ni Terrafirma head coach Ronald Tubid kung paano nila pupunan ang malaking puwang na iniwan ng pag-alis ng dalawang scorer.

 Sina Jerrick Ahanmisi at Paolo Hernandez ay na-trade sa San Miguel Beer kapalit nina Juami Tiongson at kapwa guard na si Chris Miller noong Hunyo.

Magagawa ito ng Dyip sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at pananatili sa sistemang matagal nang sinusunod ng koponan.

“Tulad pa rin ng dati pa naming battle cry. Kailangan whatever we do, within the concept of the team,” ani Tubid.

“Hindi pwedeng madiskaril kami sa itinatakbo ng team, offense and defense. We need to realize kung ano strengths ng team. Different kami sa ibang teams. Sila may pupuntahan agad samantalang kami kailangan iikot (ang bola).”

Nag-average si Ahanmisi ng 21.25 puntos kada laro at si Hernandez ng 9.8 puntos sa huling Commissioner’s Cup.

Malayo ito sa na-italang average nina Miller na 4.29 at Tiongson na 2.25 puntos kada laro — malaking ibinaba mula sa 20.6 puntos kada laro na naitala ni Tiongson noong 2023-24 season, na naging dahilan upang kunin siya ng San Miguel sa trade na kinasangkutan nina Terrence Romeo at Vic Manuel.

Naniniwala si Tubid na kapaki-pakinabang ang naging trade para sa magkabilang koponan.

“Si Jerrick and Paolo nasa 30-plus points combined iyon. Pero Juami kaya iyon. ‘Yung nawala niya sa SMB, kasi nga iba sistema doon, kaya niyang ibalik. Happy kami kay Juami, proven scorer talaga iyon,” ani Tubid.

“Tapos si Miller maganda ipinakita sa (rookie draft) combine and alam ko may ibibigay. So kaya nilang mag-deliver,” dagdag pa niya.

Bukod kina Tiongson at Miller, umaasa rin si Tubid kina Maverick Ahanmisi, Joseph Eriobu, JM Bravo, Brent Paraiso, Shawn Umali, Keith Zaldivar, at sa kanilang import na si Justin Strings, na inilarawan niyang isang “coachable and all-around player.”

Malaki rin ang inaasahan ng koponan kay Geo Chiu, ang top overall pick sa huling rookie draft na sumali sa Dyip noong nakaraang Commissioner’s Cup.

Gayunman, hindi nito lubos na naabot ang inaasahan matapos mag-average ng 7.25 puntos at 10.08 rebounds sa loob ng 12 laro.

“Geo is still a work in progress kasi nga iba style of play niya dati,” paliwanag ni Tubid.

 “Kailangan mas involved pa siya sa team being a 6-9, 6-10 guy. Kaya nga the coaching staff is working on that every day, ‘yung mga drills.”

 Naniniwala ang coach na malaki pa ang potensiyal ng 25-anyos na sentro.

 “We expect bigger involvement mula sa kanya,” dagdag ni Tubid.

 “Ang kainaman sa bata, lumalaban, hindi takot. Nagugulangan lang minsan. Kaya kumbaga back to basics siya with the goal na ma-impose niya will niya,” ani pa niya. “Very coachable naman siya, very willing to learn.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles