Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vic Sotto-Vice Ganda, may The Greatest Showdown

Kagaya ng inaasahan, isang malaking ‘click bait, promo, teaser at gimik’  ang nangyaring batian sa ere nina bosing Vic Sotto ng Eat Bulaga at meme Vice Ganda ng It’s Showtime.

Tunay namang nagkaroon nga ng malaking pagkikita ang dalawa sa Gateway Atrium sa Cubao, QC ang dalawa dahil ini-anunsyo nila ang pagsasamahan nilang movie project na tatawaging, The Greatest Showdown. Naganap ito last Sunday, July 5 ng 4pm as announced ni Vice sa It’s Showtime at agad din na-acknowledge ni bosing Vic noong Sabado din.

Base na nga sa nakalap ng BISTADO, magsasama sa kauna-unahang pagkakataon ang dalawa sa biggest attractions o box-office champions kada mayroong MMFF, o ang taunang pestibal ng mga pelikulang pilipino tuwing Disyembre.

At sa pagkakataon ngang ito ay magsasama sa isang espesyal na proyekto ang dalawang higante ng noontime shows sa ilalim ng direksyon ng award-winning director na si Jun Robles Lana.

Present si direk Jun sa naging pagtatagpo ng dalawa sa napakakapal na tao sa naturang lugar sa Cubao, with matching program pa at guest performers na umaliw sa audience na walang tigil ang sigawan, palakpakan at sigawan.

“If such is an indication of a success, then we are claiming it,” sey ng isa sa mga nakausap ng BISTADO sa event na nagbigay ng “little info” sa gagawing project ng dalawa.

Ayon sa nasabing source, magiging kolaborasyon umano ang pelikula ng mga lehitimong co-host o co-workers nina Vice at bosing Vic ang naturang MMFF entry.

Kaya’t asahan na daw nating kahit sa movie man lang ay magsasama-sama ang mga kilalang “hosts” ng dalawang sikat na noontime shows sa bansa.

“It’s going to be a very special project with lots of sing and dance production that the both shows give to audience on a daily basis, but in the movie version, it has more drama at turns and twists. Kilala naman ninyo ang isang Jun Lana kapag gumawa ng project. May kakaiba at espesyal na sangkap,” susog pa ng same BISTADO source.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles