Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BINI, mga bagong Ambassadors ng Department of Tourism (DOT) 

Pormal nang inanunsyo last July 3, 2026, na ang kilalang all-female P-Pop group ng bansa na BINI ang bagong mga itinalagang Tourism Ambassadors ng Department of Tourism.

Ayon sa naturang ahensya ng gobyerno, pinili nila ang BINI dahil malaki ang maitutulong nito sa pagpapalaganap ng makukulay na kultura, iba’t ibang klaseng tourist destinations, at ang “world-class hospitality” na kaugalian ng mga Pinoy.

Kung pagbabasehan daw kasi ang mga awitin, sayaw at kasuotan na ginagamit at ginagawa ng walong miyemmbro ng BINI, ang bawat isa ay sumisimbolo sa kabuuan ng bawat pinoy sa bansa.

Sa pinakabagong domestic tourism campaign na tatawaging “Discover More To Love”, nabigyan ng asignatura ang BINI na bigyan ng kulay ang kampanya ng DOT upang hikayatin ang parehong local at international tourists na tuklasin ang napakayamang mga tourist destinations ng bansa.

Sa naturang campaign ay magiging bahagi at partner ang mga hotel operators at airline partners na mag-alok ng libu-libong hotel deals mula sa maraming hotel owners, tour operators, at airline partners sa buong bansa.

Labis ang kagalakan ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay na well-represented ang Pilipinas dahil galing sa iba’t ibang lugar ang bawat member ng BINI.

Si Maloi ay taga-Batangas; si Jhoanna ay taga-Laguna.

Si Stacey ay taga-Nueva Vizcaya, habang si Sheena ay mula sa kalapit na probinsya ng Isabela.

Si Jhoanna ay laking-Albay, habang si Colet taga-Bohol.

Pareho namang taga-Cebu sina Aiah at Mikha.

Pahayag ni Sec. Mathay: “Sometimes, the young people can actually direct a whole generation, a whole government or bureaucracy to go a certain direction, which will connect with a larger population and we made the right choice. A fresh takeaway from this first meeting is each girl actually represents a province or a town. They’re very knowledgeable about what is a charming feature of their town.

“I thought that the input is very refreshing, and each girl member has that to bring to tourism.”

Ayon pa kay Sec. Mathay: “We want a long-term relationship, ayaw namin ng isa lang. Kasi ayun ang may impact kung mahaba. It shows a serious, sustainable, long-term partnership, so we’re in with them for the long haul. So that’s what we have in mind, and hopefully the group also has the same in mind.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles