Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Canadian mining firms magpapalawak ng operasyon sa PH

Magpapalawak ng operasyon sa Pilipinas ang ilang Canadian mining companies matapos ang mga pulong kay President Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng kanyang official visit sa Canada.

Kabilang dito ang OceanaGold Corp., na may US$1.9-billion expansion plan para palawigin hanggang 2037 ang operational life ng Didipio Gold-Copper Mine.

Ayon sa ulat, gagamitin ng kumpanya ang mahahalagang value-added tax-related incentives sa ilalim ng CREATE MORE Act para mapahusay ang capital efficiency ng proyekto, habang binabalanse ang resource optimization at mas mababang environmental footprint sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Nakipagpulong din si Marcos nitong Biyernes sa mga executive ng B2Gold Corp. at Philippine-based Filminera Resources Corp. upang talakayin ang planong expenditures na humigit-kumulang US$14 million para sa solar plant expansion ng Masbate Gold Project at mga programang pang-exploration.

Magkasamang nagpapatakbo ang B2Gold at Filminera ng Masbate Gold Project.

Nagbigay din ang B2Gold sa Pangulo ng liham na nagsasabing handa itong magbigay, subject to further agreement between the parties, ng technical at exploration expertise para suriin ang opportunities na palawigin ang mine life ng Masbate Gold Project.

Nagbigay rin ng update ang B2Gold executives tungkol sa bagong exploration initiatives sa Pilipinas sa pamamagitan ng B2Gold Philippines Exploration Office, na itinayo matapos ang positibong karanasan ng kumpanya sa Philippine operations nito.

Ayon sa kumpanya, nakalikha ang Masbate Gold Project ng mahigit P10 billion na buwis na ibinayad sa local at national governments noong 2025, kaya ito ang largest taxpayer sa buong Bicol.

Nakatulong din ang malawak na tax contributions ng Masbate Gold Project para maiangat ang host town nitong Aroroy mula lower-income 4th-class municipality tungong 1st-class municipality, kasama ang mas maayos na public infrastructure, educational assistance, at training programs para sa local scholars.

Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque, nakatutok ang pulong ng Pangulo at Canadian mining companies sa kanilang expansion initiatives sa Pilipinas.

“They reiterated their expansion plans and they’re very happy with the new policies. Kasi may mga bagong policies na… but of course, they’re really hoping that we could shorten pa rin the time. Merong mga policies na, I mean, merong mga processes na mahaba pa ‘yung time,” sabi ni Roque.

“They already discussed with Secretary (Juan Miguel) Cuna and they already agreed to really work closely together to really strengthen the mining industry in the Philippines,” dagdag niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles