Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Prosec Chua: Day 1 ng VP Sara impeachment trial tutok sa motions, opening statements muna

Formalities muna ang inaasahang tututukan sa unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa July 6, kabilang ang rulings sa pending motions at opening statements ng magkabilang panig, ayon kay Manila Rep. Joel Chua.

Si Chua ang lead prosecutor sa Article I ng impeachment case, na nakatutok sa alleged misuse ng P612.5 million confidential funds ni Duterte.

“Unang una, ineexpect natin ‘yung mga motion namin magkaroon ng ruling. Tapos at least ‘yung presiding officer malaman na rin natin kung sino talaga, ma-settle na natin. Tapos magkakaroon ng opening statement from both sides. Wala pang presentation ng mga witness, formalities muna. So sa second day, doon pa lang magsisimula,” sabi ni Chua sa panayam sa Insiders Podcast.

Sa limang araw na pre-trial conference, naghain ang 11-member House prosecution panel ng motions sa procedural at evidentiary issues. Kabilang dito kung papayagang makilahok ang public at private prosecutors sa proceedings, at kung bubuksan ang sealed Bureau of Internal Revenue (BIR) box na naglalaman umano ng tax records ni Duterte at ng kanyang asawa.

Ayon kay Chua, tinutulan ng defense ang hiling ng prosecution na payagang makalahok ang parehong public at private prosecutors.

“Isa ‘yan as motion namin, to allow one public and one private [prosecutor]. Pero ayaw nila, inoobjectan nila ngayon. Gusto nila as much as possible public lang, syempre lamang sila doon,” sabi niya.

Sa BIR box naman, sinabi ni Chua na pumayag ang defense na mabuksan ito, pero may kundisyon na gawin sa executive session.

“Pagdating naman sa trial mismo, pwede naman nila objectan kung sa tingin nila hindi [dapat buksan]. Although sa kanilang comment naman, agree naman na sila na pabuksan ‘yung box. Kaya lang may subject to certain conditions. Kailangan during executive session,” dagdag niya.

Ayon kay Chua, hindi nakapagdesisyon ang clerk of court sa mga motions noong pre-trial conference dahil receiver lang ito sa marking of evidence.

“Well in fairness to the clerk of court, hindi naman siya talaga pupwedeng magdecide. Receiver lang siya,” paliwanag niya.

Tungkol sa pagbubukas ng BIR box, sinabi ni Chua na mas mabuting hintayin ang desisyon ng impeachment court.

“Kaya nga ito naman ayaw ko namang mag-comment kasi antayin na lang natin ‘yung desisyon. Ayaw ko naman pangunahan ‘yung magiging desisyon ng impeachment court,” sabi niya.

Humiling din ang prosecution na payagan ang paggamit ng English at Filipino sa trial, lalo na sa cross-examination ng witnesses.

“So ‘yan ang ilan sa mga sinubmit natin, plus ‘yung use of Filipino tsaka ng English,” sabi ni Chua.

Ayon sa kanya, layon nitong gawing mas malinaw sa publiko ang proceedings “para mas maintindihan ng mga kababayan.”

Tumagal ang pre-trial conference dahil iginiit umano ng defense ang separate marking ng bawat ebidensya.

“Kaya medyo tumagal ‘yan kasi yung defense gusto nila separate marking,” sabi ni Chua.

Paliwanag niya, sa separate marking, kailangan munang ikumpara ang documents, markahan, at papirmahan sa defense, prosecution, at clerk of court.

“Unang una, may comparison tapos ‘pag nagcomparison na, magkakaroon ng markahan, pagka nagkamarkahan pipirmahan pa ‘yan ng defense, pipirmahan ng prosecution, pipirmahan ng clerk of court,” dagdag niya.

Dahil nasa 4,000 documents ang kailangang markahan, karamihan ay acknowledgement receipts na kaugnay ng confidential fund transactions, halos nadoble ang workload.

“Imbis na five minutes o ano lang, madodoble ‘yung time eh. We are talking here of ano 4,000 documents. So biglang ‘yung 4,000 naging 8,000,” sabi ni Chua.

Mas tumagal ang evidence marking sa alleged misuse of confidential funds at unexplained wealth kesa sa bribery at threats dahil mas maraming documents, financial records, at reports ang sangkot.

Nakatakdang magsimula sa July 6 ang impeachment trial ni Duterte at inaasahang tatagal ng humigit-kumulang tatlong buwan matapos aprubahan ng Senate impeachment court ang 92-day trial schedule. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles