Gustong baguhin ng fintech company na Salmon ang tingin ng mga Pilipino sa “utang,” mula sa dahilan ng stress tungo sa mas positibong financial tool kapag ginamit nang responsable.
Sa bagong campaign na may linyang “if your money feels good, it’s probably Salmon,” inilalako ng kumpanya ang credit at loan options na ginawa umanong mas seamless, safe, at rewarding para sa users.
Batay sa company survey ng Salmon, 85 percent ng credit line users ang nagsabing may positibong epekto ito sa household well-being nila, habang 93 percent ng product loan customers ang nagsabing ire-recommend nila ang Salmon sa family at friends.
Para hikayatin ang responsible credit behavior, may interest-free grace period ang Salmon na umaabot hanggang 62 days, 0.5 percent cashback sa QR at card payments, at zero-percent downpayment options sa mahigit 10,000 partner stores nationwide.
Ayon kay Salmon Co-Founder Raffy Montemayor, maaaring maging powerful tool ang responsible borrowing para maabot ang milestones, gaya ng pagbili ng motorsiklo, pag-aayos ng bahay, o unang access sa formal credit.
Tinututukan din ng platform ang security at transparency, habang may 4.8-star rating ito sa major app stores at Silver-level Client Protection Certification mula sa Cerise+SPTF.
Bilang fully digital experience, nire-reward ng Salmon ang consistent at timely repayments sa pamamagitan ng mas mabilis na pagtaas ng credit limits at mas favorable na terms.
Kabilang sa mga financial product ng kumpanya ang Credit Line, Product Loan, at Moto Loan.
Ang mga ito ay opisyal na iniaalok ng Salmon Finance Inc., isang licensed financing company na regulated ng Securities and Exchange Commission. /Bistado


