Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sundalo tiklo matapos umano’y magpaputok sa Cagayan

CAGAYAN – Arestado ang isang 28-anyos na lalaki na miyembro ng Philippine Army matapos ang umano’y indiscriminate firing incident sa Claveria, Cagayan noong June 28.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang pag-aresto matapos ang hot pursuit operation ng Claveria Municipal Police Station katuwang ang Quick Reaction Team ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.

Batay sa imbestigasyon, ang suspek na kinilala lamang sa alias na “Bugoy” ay pumunta umano sa bahay ng kanyang brother-in-law sa Barangay Luzon, Claveria, kung saan paulit-ulit niya umanong hinamon itong lumabas para makipag-away.

Nang walang tumugon, nagpaputok umano ang suspek ng ilang beses bago tumakas sakay ng gray vehicle papuntang Abulug, Cagayan.

Narekober ng police investigators sa crime scene ang anim na fired 5.56 mm cartridge cases, tatlong fired .45 caliber cartridge cases, at isang live 5.56 mm ammunition.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang responding police units, na nauwi sa pag-aresto sa suspek habang nagtatago sa loob ng isang compound sa Barangay Centro 8, Claveria.

Nakuha mula sa suspek ang isang M16 rifle, isang .22 caliber rifle na may scope, isang .45 caliber pistol, isang long magazine, dalawang .45 caliber magazines, isang .22 caliber magazine, 21 live rounds ng 5.56 mm ammunition, pitong live .45 caliber cartridges, at 10 live .22 caliber cartridges.

Nasamsam din ang isang bladed weapon, mission order, Armed Forces of the Philippines (AFP) Identification Card, License to Own and Possess Firearms Identification Card, Philippine Army uniform, war belt, bandolier, sling bag, at ang sasakyang umano’y ginamit sa pagtakas.

Ayon sa PNP, maayos na inimbentaryo ang recovered evidence sa presensya ng barangay officials bago dinala ang suspek sa Claveria Municipal Police Station para sa documentation at filing ng appropriate criminal charges. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles