Nababahala ang aktor na si Jericho Rosales nang manawagan thru her socmed account ang partner ng kapatid niyang si Jeremiah “Nuki” Rosales na ito’y nawawala simula pa noong June 20, 2026.
Ayon sa post ng partner ni Jeremiah na si Jhen Go, gamit umano nito ang isang motor habang nasa isang lugar sa Maia Alta Subdivision sa Antipolo ng ito’y biglang hindi na lang umuwi.
Isang dating aktor at model din si Jeremiah na pansamantalang nahinto sa showbiz dahil sa pagkaka-rehab nito.
Sa pamamagitan din ng kanyang socmed account ay ni-repost ni Echo ang panawagan ng pamilya sa sinumang nakakita o nakasama ng kapatid na agad itong ipagbigay sa kanila o sa mga may kapangyarihan.
“Nakakabahala naman talaga kapag may family member ka na bigla na lang nawala o hindi ninyo makontak lalo’t hindi pa stable ang pag-iisip nito o baka may mga bad elements na posibleng sinamahan nito o naka-impluwensya,” komento ng netizen sa naturang FB post ni Jhen na ni-repost ni Echo.
Bahagi pa naturang socmed post, “Please help us find this missing person. He was last seen in Maia Alta Subd, he was on a motorcycle. If you have any information regarding his whereabouts, please contact me at 09494989581.”
Sa halos limang araw ng lumipas na tinatangka nilang kontakin ang dating aktor-model, bigo sila na makakuha man lang ng kahit na anong lead sa wherabouts nito.
Sa karagdagang ulat na lumabas sa ibang news site, sinabi din ni Jhen na diumano’y bumalik sa kanyang ‘old habits’ si Jeremiah simula nang makalabas ito sa isang rehab facility.
“Father’s day gift namin sa kanya ng Kuya (Echo) niya sa Rehab (ipapasok). Kasi malala na case, nagsasalita mag-isa,” saad pa ni Jhen.
Ayon pa sa partner ni Jeremiah, noon ding June 20 ito dapat pipik-apin ng rehab staff, subalit ito nga’y nakatakas.
“Natakasan n’ya rehab. Need talaga s’ya mahanap. Worried na worried na kaming lahat kahit na ang mga anak niya,” susog pa ni Jhen.


