Sinurpresa ni Kris Aquino ang studio ng EAT BULAGA sa TV5 sa Mandaluyong City nang magpakita ito at nakisaya sa Dabarkads nitong June 25.
Sa halos dalawang linggo na ngayong pagiging bahagi ni Bimby Aquino simula nang mag-trending ang pakikipag kulitan nito kay Ryzza Mae Dizon, lubos na itong kinagiliwan ng audience at sinuportahan.
Bilang kilala sa showbiz si Kris na maalaga at supportive pagdating sa anak, hindi nito natiis na puntahan si Bimbs sa Studio at magpakita sa madlang pipol kahit pa halos wala itong make-up, naka-simpleng damit at medyo may katabaan ang postura.
“Pagdating talaga sa anak, walang makakatalo kay Kris. Support kung support ng todo,” sigaw ng netizen.
Nais daw magpasalamat ni Kris sa mga taong very positive ang reception sa TV exposure ng anak bilang isang co-host.
Nagawa pa nitong tuksuhin si Ryzza na alagaang mabuti si Bimbs bilang botong-boto siya dito para maging manugang.
Sinakyan naman ito ng mga co-hosts ni Ryzza Mae’s co-hosts, including Joey de Leon, Maine Mendoza, Allan K, at Miles Ocampo, na pinayuhan si Ryzza Mae na i-approach si Kris at bigyan ito ng paggalang o halikan ito bilang kanyang future “mother-in-law.”
Nang marinig pa ito ni ay Kris ay pinayuhan nito si Ryzza na, “Don’t mind them because success is the best revenge.”
Humirit pa si Kris na yung letrang “R” sa suot na jacket ni Bimbs ay initial ng name ni Ryzaa na lalong ikinakilig ng sambayanan,
May hirti pa si Kris, “‘I love you’ to all the Dabarkads! Can I guest host next time?”.
Hanggang sa nakipag-banter na ito kay Joey at sakyan ang “tukso” nitong dapat ang maging future name ni Ryzza ay “Ryzza Mae Cojuangco-Aquino.”
At bago pa man niya pakawalan ang anak para bumalik sa work ay nagpayo pa itong, “Bimb, you’re the man, be a gentleman. If you’re gonna eat out, dapat ikaw magbabayad.”
Later that day ay may mga posts na ngang pinag-usapan sa socmed ng isang masaya nilang “dinner” sa isang restaurant.


