Umakyat na sa 81 ang reported deaths mula sa magnitude 7.8 earthquake na tumama sa Maasim, Sarangani at mga karatig-probinsya noong June 8, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.
Mas mataas ito kesa sa 77 reported deaths na naitala isang araw bago ang pinakahuling situational report.
Ayon sa NDRRMC, siyam sa 81 reported fatalities ang kumpirmado na, lahat mula sa Davao Region.
Nasa 72 deaths pa ang isinasailalim sa validation, kabilang ang 12 mula sa Davao Region at 60 mula sa Soccsksargen.
Nasa 1,315 naman ang injured, habang 31 katao ang missing.
Umabot sa 382,629 families o 1,633,161 persons ang naapektuhan ng lindol sa 620 barangays sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nasa 87,058 houses ang napinsala sa Regions 9, 11, 12, at BARMM.
Samantala, nanatili sa P1,356,034,440.41 ang damage to infrastructure sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at BARMM. /Bistado


