Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gardo hihina, lalabas ng PAR ngayong Biyernes

Inaasahang hihina at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes ang Severe Tropical Storm Gardo, na may international name na Higos, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, taglay ni Gardo ang maximum sustained winds na 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 115 kph.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,280 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon dakong 4 a.m., habang kumikilos north northwest sa bilis na 25 kph.

Inaasahang mananatiling malayo sa landmass si Gardo. Wala ring wind signal na nakataas sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, magdadala pa rin ng malalakas na bugso ng hangin ang Southwest Monsoon o habagat sa malaking bahagi ng Luzon. Ayon sa Pagasa, maaaring makaranas ang kalakhan ng Luzon ng strong to gale-force gusts.

Posible ring magkaroon ng rough seas sa seaboard ng Batanes. Pinayuhan ang mariners ng small sea vessels, kabilang ang lahat ng uri ng motorbancas, na huwag munang pumalaot.

Magdadala rin ang Habagat ng malalakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles