Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Eala kinapos sa Berlin Open semifinals

Matapos talunin ang dalawa sa top 10 sa mundo, hindi na umubra si Alexandra Eala kay Linda Noskova ng Czech Republic, 2-6, 4-6, sa semifinals upang magpaalam na sa Berlin Open nitong Sabado ng gabi (oras sa Pilipinas).

Kinailangan lamang ni world No. 13 Noskova ng 69 minuto para sibakin si Eala, na isang wild card sa torneo.

Binasag ni Noskova si world No. 35 Eala sa unang game pa lamang at umasa sa kanyang serbisyo na nagbunga ng walong aces.

Nang magtabla 4-4 sa second set, nakakuha si Noskova ng break upang umabante sa 5-4, bago isinara ang laban sa pamamagitan ng isa pang matagumpay na serbisyo.

Nanalo si Noskova sa 81.8 porsiyento ng kanyang mga puntos mula sa unang serbisyo (27 sa 33), kumpara sa 52 porsiyento ni Eala (13 sa 25).

Haharapin ni Noskova sa finals si Jessica Pegula ng Amerika, na ginulantang si world No. 1 Aryna Sabalenka ng Belarus, 6-4, 6-7 (4), 6-0.

Bago nakarating sa semifinals ang 21-anyos na si Eala, pinabagsak nya sa round of 32 si Donna Vekic ng Croatia, 7-5, 6-4; sa round of 16 ang world No. 2 at Wimbledon champion na si Elena Rybakina ng Kazakhstan, 7-5, 6-4; at sa quarterfinals si Elina Svitolina ng Ukraine, 6-3, 6-4.

Sa panig ni Pegula, narating nya ang ika-23 singles final at susubukan bawiin ang korona sa Berlin na huli nyang napanalunan noong 2024.

“I told myself after I ended up losing that second-set tiebreak that before the rain delay, I had a lot of momentum,” ani Pegula. “She just hit a double fault. I felt like I kind of had it there and I was serving well. I was in a good rhythm, and then having to get off court and losing that pretty quickly — only winning one point in the tiebreak — was a little tough. But she’s No. 1 in the world for a reason and I feel like I gave her too many easy shots and she went for it and that’s just what happens.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles