Trending ang kwelang bloopers ng social media personality na si Baus Rufo na nag-guest host sa “Unang Hirit.” Matapos nito, sunud-sunod ang posts ni Baus para linawing siya ay certified Kapuso!
Pero bago pa man ang viral appearance niya sa daytime show ng GMA, una nang napanood si Baus noong June 6 bilang CelebriPeep ng bagong game show nina Heart Evangelista at Sean Lucas na “The People Have Spoken.”
This Saturday, June 20, nagbabalik si Baus bilang CelebriPeep kasama ang social media personality at beauty queen na si Joy Barcoma. Tutulungan nila ang celebrity players na mapulsuhan ang POV ng People para manalo ng jackpot. Sino kaya ang magwawagi: ang Team ChanSu nina Chanty Videla at Sugar Mercado o ang Team KeBab nina content creators Kevin Montillano at Euleen “Yobab” Castro?
Abangan ang “The People Have Spoken” tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA-7, Kapuso Stream, at YouLOL YouTube channel.


