Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Luistro: House prosecutors aaralin mga hakbang para linawin ang vote threshold sa impeachment

Aaralin ng House prosecution panel kung may hakbang na pwedeng gawin para linawin ang vote threshold sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago umabot sa judgment ang kaso, ayon kay House lead prosecutor Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro nitong Biyernes.

Sa panayam ng Dos Por Dos sa dzRH, sinabi ni Luistro na nakatutok muna ang prosecution sa pre-trial conference, pero pag-uusapan ng panel ang posibleng aksyon para maiwasan ang kalituhan sa dulo ng trial.

“We will look into tha…medyo naka-focus [lang] kami dito sa pre-trial conference,” sabi ni Luistro.

“Pag-uusapan natin ‘yan kung anong magandang action ng prosecution para pagdating ng conclusion ng trial ay wala nang mga question about how we are going to interpret the two-thirds of all,” dagdag niya.

Lumalim ang isyu dahil pinagdedebatehan kung ang two-thirds vote requirement para sa conviction ay kukuwentahin mula sa 24 senador o mula sa bilang ng mga senador na nasa effective reach ng Senado.

Ayon kay Luistro, ipaaalam ng prosecution sa publiko kapag may posisyon na ito.

“Babalitaan natin ang ating mga kababayan kung ano ang magiging position ng prosecution kaugnay nyan,” sabi niya.

Nang tanungin kung kailangang ang isang party sa kaso ang humingi ng clarification mula sa Supreme Court, sinabi ni Luistro na tama iyon, pero kailangan pang aralin ang timing at legal basis.

“That is correct…pero doon sa puntong meron na bang na-infringe na right, meron na bang irreparable damage na masu-sustain considering na nandito palang tayo sa PTC,” paliwanag niya.

“Wala pa tayo sa rendition ng judgment,” dagdag niya.

Aniya, kailangan munang tingnan kung legal na viable ang ganitong hakbang sa kasalukuyang yugto ng proceedings.

“Let us see kung viable ba? Feasible ba itong ganitong action at this stage,” sabi ni Luistro.

Sa 1987 Constitution, nakasaad na walang impeached official ang maaaring ma-convict nang walang concurrence ng two-thirds of all members of the Senate.

Pero ayon kay Luistro, dapat itong basahin batay sa mga senador na nasa loob ng coercive power ng Senado.

“Ako? Two-thirds of senators within the Senate’s coercive power,” sabi niya.

Ang verbatim na provision sa Constitution, two-thirds of all the members of the Senate. Hindi naman sinabing 24,” dagdag niya.

Giit ni Luistro, hindi fixed number ang ginamit sa Constitution.

“Ang sabi two-thirds of all the members of the Senate,” sabi niya.

Iniugnay niya ito sa tungkulin ng mga senador bilang kinatawan ng taumbayan sa legislative work at sa mga pagdinig sa impeachment.

“Hypothetical ito, I do not want to mention names, kung ang senador mo ay nakakulong, kung ang senador mo ay nagtatago, ang tanong? Nare-represent ba nila ang interest?” tanong niya.

Para kay Luistro, hindi nagagampanan ng mga senador na hindi makadalo o makaboto ang kanilang representative function sa impeachment court.

“Of course, the answer is clear – No! And if the answer is no, it means the 24 numbers should be adjusted – adjusted and lowered to a number which is or which are within the coercive power of the Senate,” giit niya.

Binabanggit sa Senate quorum debate ang 1949 Supreme Court ruling sa Avelino v. Cuenco dahil tinalakay nito ang kakayahan ng Senado na kumilos kapag may mga miyembro sa labas ng coercive power nito.

Ayon kay Luistro, iyon ang batayan ng kanyang preferred interpretation.

“Gusto kong gamitin ang coercive powers sapagkat ito ang doktrina sa Avellino v. Cuenco,” sabi niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles