♈ Aries (March 21 to April 20): May sagot kang matagal nang hinahanap, at hindi ito manggagaling sa bagong impormasyon kundi sa lumang usapan. Balikan mo ang detalye na minsan mo nang narinig. Sa love, huwag kang pumayag sa half-hearted effort. Mas mataas na standard ang dapat mong hinihingi ngayon.
♉ Taurus (April 21 to May 21): Puro responsibilidad ang nasa isip mo, pero may paalala ang araw na hindi ka nabubuhay para magtrabaho lang. Maglaan ng oras para sa saya, kahit simple lang. Single? May kilig na pwedeng magsimula sa maikling biyahe o biglaang lakad.
♊ Gemini (May 22 to June 21): Malakas ang boses mo ngayon, kaya gamitin mo ito. May idea o opinion kang kayang magbukas ng pinto sa trabaho o relasyon. Sa pera, iwasan ang mga planong umaasa lang sa suwerte. Mas panalo ang malinaw na strategy.
♋ Cancer (June 22 to July 22): Hindi mo kailangang sumabay sa drama ng iba. Kapag pinili mong maging diretso at tapat sa nararamdaman mo, mas mabilis maaayos ang isang emotional situation. Sa social circle mo, ikaw ang may hawak ng momentum.
♌ Leo (July 23 to August 23): Nasa spotlight ka, pero ang challenge ay manatiling totoo sa sarili. May pagkakataong sumikat o mapansin, pero huwag baguhin ang values mo para lang makuha ito. Sa love, authenticity ang pinakamalakas mong asset ngayon.
♍ Virgo (August 24 to September 22): Mataas ang drive mo ngayon at may professional opportunity na pwedeng magpakita ng talento mo. Huwag matakot sa kompetisyon. Minsan ang taong pinakaayaw mong katapat ang magtutulak sa’yo para umangat.
♎ Libra (September 23 to October 23): Hindi mo kailangang iwan ang sariling pangarap para lang mapanatiling masaya ang grupo. May paraan para pagsabayin ang teamwork at personal ambition. Sa love, may espesyal na koneksyon na nagsisimula sa isang simpleng conversation.
♏ Scorpio (October 24 to November 22): Passion ang fuel mo ngayon, pero huwag hayaang matabunan nito ang career focus mo. Kaya mong pagsabayin ang puso at ambisyon basta malinaw ang priorities mo. Single? May taong matapang at diretso ang dating na mahirap dedmahin.
♐ Sagittarius (November 23 to December 21): Hindi lahat ng lakas nasa pagiging independent. May pagkakataong mas lalalim ang relasyon kapag ipinakita mo ang vulnerable side mo. Huwag gawing biro ang isang seryosong usapan. May taong naghihintay ng mas honest na version mo.
♑ Capricorn (December 22 to January 20): Ang mga ideya mo ay handa nang marinig ng mas maraming tao. Tigilan mo ang pagtatago ng magandang plano dahil sa takot na hindi ito maintindihan. Sa romance, mabagal pero may totoong pag-usad na nangyayari.
♒ Aquarius (January 21 to February 18): May tao o sitwasyong matagal mo nang tinitingnan bilang ordinaryo. Ngayon mo makikita ang tunay nitong halaga. Huwag husgahan agad ang isang relasyon o opportunity dahil lang hindi ito dumating sa paraang inaasahan mo.
♓ Pisces (February 19 to March 20): Wellness at passion ang magkasabay na tema ng araw mo. Maliit na pagbabago sa routine ang pwedeng magbigay ng malaking epekto sa energy at confidence mo. Sa love, ang experience mo sa nakaraan ang magiging gabay para hindi na maulit ang dating pagkakamali.


