Patuloy ang saya lalo pa’t may papremyo na higit sa Php 6 milyon ang naghihintay sa Kapuso Bigtime Panalo 5 ng GMA Network!
Linggo-linggo, parami ng parami ang nananalo, kaya sumali na para may chance mapabilang sa mga masuwerteng mananalo ng cash prizes: Php 50,000 para sa 10 winners, Php 5,000 para sa 100 winners, at Php 1,000 para sa 280 winners.
At siyempre, sa unang pagkakataon ng Kapuso Bigtime Panalo, magkakaroon ng 2 lucky winners ng grand prize na Php 2 milyon!
Para sa kumpletong promo mechanics ng Kapuso Bigtime Panalo 5, bisitahin lamang ang www.gmanetwork.com/GMAPromos.
Kaya tara na at sumali, mga Kapuso! Maaaring magpadala ng entries hanggang August 7, 2026.


