Kabilang ang mga Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Max Collins na nominado sa Outstanding Asian Star: Philippines category ng 21st Seoul International Drama Awards (SDA) para sa kanilang bukod-tanging pagganap sa seryeng “The Master Cutter.”
Samantala, nominado rin sina Anton Vinzon, Katrina Halili, Roi Vinzon, at Amy Austria para sa seryeng “Kamao”.
Talagang ikinatuwa ng mga netizens ang nominasyon ng kanilang mga favorite Kapuso stars.
Lahat ng nominado sa Outstanding Asian Star: Philippines category ay dadaan sa isang fan voting via IDOLCHAMP app.
Gamit ito, ay maaaring bumoto ang mga fans sa kanilang iniidolo hanggang July 14.
Gaganapin naman ang awarding ceremony ng SDA 2026 sa October 8 sa KBS Hall sa Seoul, South Korea.
Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ng isang South Korean award-giving body ang talento at galing ni Dingdong. Noong 2020, nanalo siya ng Asian Star Prize Award para sa kanyang pagganap bilang Captain Lucas sa GMA Prime hit series at Philippine adaptation ng “Descendants of the Sun.”
Huwag kalimutan mag-vote para sa mga nominadong Kapuso artists sa SDA 2026 at siyempre, patuloy na panoorin ang mga exciting na kaganapan sa Kamao ng GMA Afternoon Prime at The Master Cutter gabi-gabi sa GMA Prime.


