Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Coco Martin, magbabalik TV5; Face to Face ni Korina Sanchez-Roxas, pasok sa Kapamilya

Wala ng makakapigil pa sa pagbabalik ni Coco Martin sa Kapatid Network sa pagpasok ng Coco Martin’s “Sigabo” ngayong June 22, 8:00OM. 

At di rin naman magpapatalo ang batikang broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas, dahil simula June 29 weekdays ng 11:00 AM, mapapanood na rin ang “Face to Face with ate Koring” sa iba’t-ibang platforms ng ABS-CBN.

Ang siguraduhing mas maraming Pilipino ang makakapanood ng makabuluhan at entertaining na mga palabas ang rason kung bakit nagsanib puwersa ang TV5 at ang ABS-CBN.

Ayon kay TV5 President and Chief Executive Officer Guido R. Zaballero, ang pinakamahalaga ay ang mas mapagsilbihan ang mga Pilipino.

“This initiative provides Filipinos, both Kapatid and Kapamilya, with more platforms to enjoy quality stories and experiences,” sabi ni Guido. “

Sa pagdating ng Coco Martin’s SIGABO sa TV5 at sa paglawak ng reach ng Face to Face with Ate Koring, mas maraming Pilipino ang makakapag-enjoy sa mga programang nagbibigay aliw at inspirasyon.”

Sa patuloy na pagbabago ng media industry sa Pilipinas, nananatiling magkasangga ang dalawang organisasyon sa pinakamahalagang layunin: ang pagpapatibay ng makabuluhang koneksyon sa mga manonood sa pamamagitan ng mga kuwentong nagbibigay impormasyon, nagbibigay aliw at nag-uugnay sa mga Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles