Pinakamalaking bahagi ng health care financing sa bansa noong 2025 ay mula sa government at compulsory contributory health care financing schemes, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa ulat na inilabas nitong Huwebes, umabot sa 46.5 percent ng current health expenditure ang ambag ng government at compulsory contributory health care financing schemes.
Sumunod ang household out-of-pocket payments, na umabot sa 41.2 percent ng current health expenditure.
Nasa 12.3 percent naman ang bahagi ng voluntary health care payment schemes.
Kabuuang P1.87 trillion ang total health expenditure ng bansa noong 2025 sa current prices. Mas mataas ito ng 15.1 percent mula sa P1.63 trillion noong 2024.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang total health expenditure ay katumbas ng 6.7 percent ng gross domestic product ng bansa noong 2025.
Sa kabuuang health spending, 92.5 percent ang current health expenditure. Ang natitirang 7.5 percent ay mula sa health capital formation expenditure.
Tumaas din ang per capita health spending sa P15,223 noong 2025, mas mataas ng 14 percent mula sa P13,356 noong 2024.
Ipinapakita ng datos na mas lumaki ang papel ng government at compulsory schemes sa pagpopondo sa health care, pero nananatiling mabigat pa rin ang direktang gastos ng mga household sa pagpapagamot. /Bistado


