Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Imelda Schweighart, muling nagpapansin, kinuyog ng SB19 fans

Isa pa ding beauty queen turned vlogger na si Imelda Schweighart ang muling nas limelight ngayon dahil sa pagiging matabil at mapangahas nito sa pagtatanong.

This time, ang SB19 naman ang tila pinag-interesan niyang pag-usapan, gawing isyu o inrigahin.

Ayon sa dating Miss Earth winner at naging representative din ng Philippines sa katatapos lang 2026 Miss Grand International All Stars sa Thailand, nais daw niyang ma-inform o ma-enlighten kung representation daw ba ng LGBTQ+IA community ang Sb19?

Ginawa niya ito sa kanyang socmed post matapos niya daw makakita ng isang Balik-Eskuwela promo sa isang mall kung saan ang Kings of Pop na SB19 ang parang mga endorsers o spokespersons, na may “slant” para sa LGBTQ+IA community?

Sa post niyang, “Is SB19 lgbtq+ia representation? I don’t wanna  assume. Please enlighten me,” ay talaga namang kinuyog siya ng mga sagot mula sa supporters ng sikat na sikat na Kings of P-Pop ng bansa.

Tila na-enjoy pa ito ng beauty queen kaya’t kahit may matitinding bashing na sa kanya ay sumasagot pa din siya para iparating ang mga punto niya.Hindi ito nagpa-awat kaya naman hindi rin siya tinantanan ng netizen, mga A’TIn at ka-Mahalima, na mga armies ng SB19.

Ilan nga sa mga komentong ibinato kay Imelda:

“Rage bating tong si ateng talaga.. makakarma to ng bonga very soon..”

“Does Imelda have attention deficit syndrome? Please enlighten me.”

“She craves attention in order to stay relevant.”

“Ano problema neto. last time bakery sa palawan, tungkol sa retoke, and now sa mga ppop group?”

“I am a fan as well as my children, whether they are part of lgbtq or not, I am guiding my children and we love them because of their music and the inspiration they bring to us.

Only SB19 members can answer that, so she should have directly asked them that and not the people. Did she expect people to answer on their behalf?!? That’s rude!”

“Taktika ni ateng na mag rage bait para dumami engagement. Natuto sa mga western twitter accounts ng style ng ragebaiting.”

“Why not magcollab na sila ni A Aragon?”

“Why is she asking the public to enlighten her? Booba lang? Rumekta ka mismo sa taong involved. Papansin din itong si girl. Every issue na lang na involved siya, kunwari may pinaglalaban but she’s actually putting other people in a bad light.”

Ilan sa mga recent controversies and scandals na kinasangkutan ni Imelda ay noong pinintasan niya ang  nakalaban at nanalong 2016 Miss Earth from Ecuador na kesyo may fake nose, etc

Sinundan ito ng recent na pagtanggal sa kanya sa 2026 Miss Universe-Philippines bilang official candidate na kanya namang dinenay at sinabing kusa siyang nag-resign.

At nitong huli ay ang pag-reveal niyang siya ay nakunan during her stint sa 2026 Miss Grand International All Stars pageant, kaya’t ni hindi niya nagawang mag-advance sa semis.

Habang sinusulat natin ito sa BISTADO ay wala pang inilalabas na reaksyon ang kilalang SB19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles