Wala pang reaksyon o pahayag na natatanggap ang BISTADO mula sa mga handler ni heartthrob Enrique Gil hinggil sa usaping nabuntis umano nito ang current girlfriend na si Andrea Brown.
Non-showbiz pero nakilala bilang vlogger si Andrea na napabalitang nagkaroon ng kaugnayan kay Quen (palayaw ni Enrique) since 2025 at nanatili silang magkarelasyon hanggang sa ngayon.
Nang magkaroon ng romance action series na A Secret In Prague si Quen kasama si Andrea Brillantes para sa TV 5, pansamantalang walang anumang balita o kahit anong socmed activity ang parehong mga bida tungkol sa kanilang lovelife.
Subalit nitong ikalawang linggo ng June, sa isang episode ng podcast ni showbiz manager at vlogger na si Ogie Diaz, nagbalita itong umano’y mayroon siyang mga sources na nagtatanong sa kanya tungkol sa balitang buntis na ang gf ni Enrique.
Ayon pa sa tsika ni Diaz, diumano’y may nakakita kay Andrea na nagpa-pregnancy test o ultarsound sa isang clinic to determine kung nasa interesting stage na nga ito. Ayon pa sa tsismis, diumano’y sinamahan nito ng aktor pero hindi na ito bumaba sa sasakyan at hinintay na lang ang girlfriend.
Agad din itong kumalat sa scomed at ilang tsismis sites hanggang may magparating umano kay Enrique na kumakalat na ang balitang “positibo” ngang nabuntis nito ang gf.
Walang reaksyon at pahayag na inilabas ang alinmang kampo. Hindi rin sinagot ang BISTADO ng mga handlers ni Enrique tungkol sa usapin.


