Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East, nagpaalala ang Philippine Embassy sa United Arab Emirates (UAE) sa lahat ng Pilipino doon na manatiling kalmado, manatili muna sa loob ng bahay, at iwasan ang hindi kailangang paggalaw.
Sumiklab ang bagong krisis matapos maglunsad ang Israel ng malawakang pag-atake sa Iran, noong Pebrero 28. Iniulat din na may koordinasyon at suporta ang Estados Unidos sa naturang pag-atake, habang mabilis na lumala ang sitwasyon sa rehiyon.
Sunod-sunod ang pagsabog na naiulat sa Tehran at iba pang lugar, at tinamaan ang ilang military at strategic sites ng nasabing bansa.
Kasunod nito, nagbanta ng ganting-hakbang ang Iran. Ayon sa mga ulat, may mga nasawi at nasugatan sa mga tinamaan ng airstrike, at tumaas ang alert level sa ilang bansa sa Gulf. Maraming airlines ang nag-reroute o nag kansela ng flight dahil sa pangamba sa seguridad ng airspace sa rehiyon.
Sa harap ng pag-escalate ng sitwasyon, nag-anunsyo ang UAE General Civil Aviation Authority ng “temporary and partial closure of the UAE’s airspace” bilang “exceptional precautionary measure.” Layunin nitong tiyakin ang kaligtasan ng mga flight at aircrew at protektahan ang teritoryo ng UAE habang mabilis ang pagbabago ng seguridad sa paligid nito.
Dahil dito, muling iginiit ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at ng Philippine Consulate General sa Dubai at Northern Emirates ang paalala sa mga Pilipino na manatiling alerto at sumunod lamang sa opisyal na abiso ng mga awtoridad ng UAE.
Para sa agarang tulong, inilabas ang sumusunod na hotline:
Para sa mga Pilipino sa Abu Dhabi:
𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀):
+971 56 270 9157
+971 54 725 8482
𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 (𝗻𝗼𝗻-𝗢𝗙𝗪𝘀):
+971 50 443 8003
𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗢𝗪𝗪𝗔) 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀:
+971 54 557 2121
𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮𝗰𝘁 𝘃𝗲𝗿𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻:
+971 54 725 8482
𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀:
+971 50 813 7836
By Email:
abudhabi.pe@dfa.gov.ph
mwo_abudhabi@dmw.gov.ph
Para sa mga nasa Dubai at Northern Emirates:
+971 56 353 5558
𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 (𝗳𝗼𝗿 𝗻𝗼𝗻-𝗢𝗙𝗪𝘀):
+971 56 501 5756
𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗢𝗪𝗪𝗔) 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀:
+971 50 558 5536
𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮𝗰𝘁 𝗩𝗲𝗿𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻:
+971 50 652 6626
𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀:
+971 4 220 7800
By Email:
dubai.pcg@dfa.gov.ph
mwo_dubai@dmw.gov.ph
Hinimok ang publiko na patuloy na bantayan ang opisyal na anunsyo mula sa UAE authorities at sa Philippine Embassy habang nananatiling pabago-bago ang sitwasyon sa rehiyon. /Bistado


