Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bea Alonzo, hindi kinakitaan ng ‘depression at lungkot’

May mga nag-viral na photos ngayon si Bea Alonzo habang ine-enjoy nito ang taping ng kanyang ginagawang series sa GMA 7 na “Whispers From Heaven.”

Since her return from Spain some two weeks back at after ng mga balitang cancellation ng kasal niya kay Vincent Co, propesyonal na hinarap ni Bea ang trabaho para sa naturang series.

Ayon sa ilang nakausap ng BISTADO sa produksyon na pinamamahalaan ng direktor ng series na si Zig Dulay, “very professional si Bea. Never naming binabanggit o pinag-uusapan ang anumang bagay tungkol sa kanyang personal na buhay.”

She is so cooperative at napaka-collaborative. Hindi nagmamarunong at mas lalong hindi nagpapa-bebe sa set,” saad ng sources ng BISTADO.

“Very refreshing ang aura. Parang walang pinagdaanan o pinagdadaanan. Walang lungkot sa mga mata, walang bahid ng depression or what, pero kami, ramdam namin somehow. Ganun siguro siya katapang at katatag at kahusay magdala,” sunod-sunod na sambit ng parehong source.

Samantala, may mga nakapuna namang tila wala na ngang suot-suot na engagement ring si Bea unlike in her previous posts kasama si Vincent bago pa man nagkaroon ng mga usapin sa nakanselang kasalan.

Sinadya man daw na ipakita ni Bea or what, malinaw naman umano sa ‘subtext’ na nais marahil ipabatid ng aktres na “out of topic or out of issue ” na ang usapin sa kaugnayan niya kay Vincent.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles