Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pag-IBIG, tumabo ng P64.34-B dividend para sa 2025

Mas mataas na kita, mas malaking balik sa mga miyembro. 

Yan ang exciting na anunsyo ng Pag-IBIG Fund matapos nitong ideklara ang record na Php64.34 bilyong dividends para sa 2025, ang pinakamataas na naitala sa loob ng 45 taon ng ahensya.

Kasabay nito, itinaas din ang dividend rates para sa parehong Regular Savings at Modified Pag-IBIG 2 o MP2 Savings. 

Ang Regular Savings dividend rate ay umakyat sa 6.62 percent, habang ang MP2 Savings rate ay tumaas sa 7.12 percent. Ayon sa Pag-IBIG, sinasalamin nito ang malakas na financial performance at solid fiscal position ng pondo.

“Pag-IBIG Fund has once again marked 2025 as one of its best-performing years, as we declared the highest amount of dividends in our 45-year history,” ani Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund chair Jose Ramon Aliling.

Binigyang diin din ni Aliling niya na nananatiling nangungunang institusyon ang Pag-IBIG pagdating sa housing finance at savings. Dahil dito, naipagpapatuloy ng ahensya ang pagbibigay ng mas mataas na kita sa ipon ng mga miyembro habang pinananatiling abot-kaya ang housing loans sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o Expanded 4PH Program.

“In doing so, we stand firmly with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s call to uplift the lives of more Filipinos,” dagdag ni Aliling. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles