Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Rockwell Land tututok sa pagbuhay ng Alabang Town Center

Isinusugal ng Rockwell Land Corp. ang susunod nitong malaking growth story sa pagbuhay at redevelopment ng Alabang Town Center (ATC), ang kilalang mall at community landmark sa southern Metro Manila.

Ang Rockwell Land, na listed property arm ng Lopez Group, ay nakakuha ng majority stake sa 17.5-hectare na ATC, sa pinakamalaking acquisition ng kumpanya hanggang sa ngayon.

Sa annual shareholders’ meeting nitong Martes, sinabi ni Rockwell Land president and chief executive officer Nestor Padilla na mahalagang milestone ang deal habang ipinagdiriwang ng kumpanya ang ika-30 taon nito.

“We are happy to report that we ended the year with a major acquisition—our largest acquisition so far. A befitting way to celebrate our 30th year,” ani Padilla.

Ayon sa kumpanya, ang lawak ng ATC ay maihahambing sa flagship na Makati development ng Rockwell Land, dahilan para maging sentro ito ng long-term plans ng grupo.

Layunin ng Rockwell na gawing para sa Alabang ang ATC kung ano ang Rockwell Center para sa Makati, isang mixed-use district na may lifestyle, residential, at community appeal.

“Together with our horizontal developments, the redevelopment of Alabang Town Center will anchor our exciting next 20 to 30 years,” sabi ni Padilla.

Ipinapakita ng proyekto ang paglipat ng Rockwell Land sa mas malalaking mixed-use at suburban developments, kasabay ng demand para sa residential communities sa labas ng traditional business districts.

Sinimulan na ng Rockwell Land ang master planning ng property.

Kinuha nito si internationally known architect Carlos Ott, na kilala sa pagdisenyo ng Proscenium, at si local architect Jun Rodriguez ng PRSP.

Sa unang dalawang taon, tututukan muna ng kumpanya ang parking, traffic circulation, at tenant mix.

Pero sinabi ni Padilla na hindi mawawala ang identity ng ATC bilang community landmark sa Alabang.

“But more importantly, we will bring back the old charm of the town, as the locals like to call it,” ani Padilla.

Inaasahang aabot sa lima hanggang 10 taon ang redevelopment ng ATC.

Target ng Rockwell Land na gawing premier suburban lifestyle destination ang property, habang pinananatili ang dating karakter nito para sa mga residente at regular na bisita.

Dumating ang malaking acquisition habang nagtala rin ng record financial results ang Rockwell Land.

Umakyat ng 29 percent ang net income nito sa P5.3 billion.

Tumalon naman ng 62 percent ang reservation sales sa all-time high na P25.3 billion, na hinatak ng malakas na demand para sa horizontal at leisure-oriented developments. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles