Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3-2 lead paglalabanan ng TNT-Meralco, ROS-Ginebra

Balik Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong Biyernes ang Rain Or Shine-Barangay Ginebra at TNT-Meralco para sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven semifinals series.

Unang maghaharap simula 5:15 p.m. ang Bolts at Tropang 5G.

Napakita na ni import Chris McCullough ang maaari niyang ibigay para sa TNT.

Matapang niyang sinasabi na mas marami pa siyang maipapakita.

“Once I get going, it will be scary,” babala niya noong Miyerkules matapos ang 101-90 panalo ng Meralco na bago rin ang import na si Patrick Gardner.

“Kita mo naman ‘yung ginawa niya, kalmado, he makes the right decisions,” papuri naman ni Bolts coach Luigi Trillo kay Gardner, ang seven-foot, 26-anyos na American-Egyptian, na nagtala ng 20 puntos, 13 rebounds, at tatlong assists habang naipasok ang kalahati ng kanyang anim na tira sa tres.

“I think the one thing he has is, he can shoot the ball so kailangan bantayan mo rin. He can make shots from the outside,” dagdag ni Trillo.

Sumunod sa halimbawa ni Gardner ang iba pang manlalaro ng Meralco, kung saan nagdagdag si CJ Cansino ng 17 puntos na tinapos niya sa isang killer 4-pointer, habang nagtala naman si Javee Mocon ng sarili niyang double-double na 13 puntos at 10 rebounds.

Sa kabuuan, lahat ng 10 ipinasok ay may ambag para sa Bolts, na tumira ng 41 sa 81 attempts mula sa field.

Nakakuha rin ng hindi sinasadyang tulong mula sa Tropa na sumablay sa 11 sa kanilang 29 free throws, dahilan sa pagbangon ng Bolts mula sa 75-77 pagkatalo sa Game 3.

Simula 7:30 p.m., susubukan ng Elasto Painters na sundan ang 97-85 panalo kontra Gin Kings.

Nilabanan ng ROS ang posibilidad na mabaon sa 3-1 pagkakaiwan sa pamamagitan ng matinding determinasyon.

“Eto lang ang gusto namin, pahabain ang series. The longer the series goes, we have a chance,” ani ROS coach Yeng Guiao. “Our longer rotation, our bench can help out if we extend it to six or seven games.”

Nalimitahan si import Jaylen Johnson sa 26:18 minuto dahil sa foul trouble, at nagtapos na may 13 puntos at 12 rebounds. Ang mga lokal na manlalaro naman ang umangat sa third quarter.

Pinangunahan ni Christian Manaytay ang bench na may 11 puntos, tatlong rebounds at isang assist sa loob ng 18 minuto upang makuha ang Best Player honors.

Nanguna si Gian Mamuyac sa ROS na may 12 puntos. Nagdagdag sina Jhonard Clarito at Adrian Nocum ng tig-11 puntos.

May 27 puntos at 10 rebounds si Justin Brownlee, umiskor si Scottie Thompson ng 20, at nagtala si Japeth Aguilar ng 10-10 double-double sa kanyang pagbabalik. Ngunit hindi na nakabangon ang Ginebra matapos ang mabagal na simula.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles