Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Y-Speak Hosts Elijah Canlas, River Joseph, Robbie Jaworski etal, pinatikom daw ang bibig?

Nang dahil sa pag-iingay at pagkadismaya ng dating ANC news anchor na si Christian Esguerra sa pagkawala ng portion ng kanyang guesting sa pinag-uusapang YSpeak 2.0, sa ABS-CBN, muli niyang tinuran na “na-censor na naman ako ng ABS-CBN.”

Marami daw kasi ang naghahanap ng naturang portion o guesting ng kontrobersyal na podcaster na si Esguerra dahil sa nag-viral nitong teaser describing in one word ang mga ipinakitang pictures ng ilang politicians.

“Marami ang nagtatanong sa akin kung naipalabs ba o bakit daw hindi na nila ma-access ang link. Upon checking, wala na nga,” sey ni Esguerra sa naging guesting niya sa show noong May 23.

Sa pagbabalik telebisyon ng naturang programa na target ang new generation of youth at kung paano silang mas magiging “mulat” sa mga usapin ng bayan, may format itong “debate” na nilalahukan ng mga kabataang guests.

May portion din ang show kung saan may iniimbitahan silang guest na nakikibahagi sa diskusyon kasama ang hosts ng programa.

Naging panauhin nga si Esguerra at sa segment na “YSpeak Your Mind” na hosts sina Elijah at Robbie, nagpakita sila ng pictures ng ilang pulitiko at pina-describe kay Esguerra in one word or more ang mga ito.

Nauna ng ipinakita si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, na binigyan ni Esguerra g mga salitang “character arc,” dahil mula raw sa “kasamaan” ay papunta na raw ito sa “good side.”

“Madaldal” naman ang ikinabit na salita ni Esguerra kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

“Matapang” naman ang paglalarawan nito sa dating senador na si Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Kapwa naman niya tinatanong kung bakit at paanong naging mga Senador sina Sen. Bato dela Rosa at Robin Padilla.

At nakatanggap uli siya ng masigabong palakpakan mula sa audience nang tawagin niyang “Tsinador” si Sen. Marcoleta

Pagdating sa picture ni Pasig City Mayor Vico Sotto, “promising” ang salitang binitiwan ni Esguerra.

“Decent” naman ang salitang inugnay ni Esguerra kay Senador Risa Hontiveros.

Sa huli, ipinakita ang larawan ni Vice-President Sara Duterte, at tinawag ito ni Esguerra na “evil.”

Sa kanyang Youtube channel ilang araw matapos ang naturang guesting at nang hindi na ito ma-access ng netizen, sinabi ng youtuber na dati na raw siyang na-Censor noong nasa ABS-CBN pa siya at mui na naman daw itong naulit ngayon.

“Natatakot ba sila o masyado lang nag-iingat?,” ang reaksyon ng mga supporter ni Esguerra na gaya ng youtuber ay dismayado umano sa tila karuwagan o pag-play safe ng network.

“Nasaan ang tapang nila? Ang dami-dami nilang celebrities na kung makapuna at maka-buska sa gobyerno ay feeling mga mahuhusay at entitled, bakit kung kailan mayroong nagsasalita sa programang bagay naman sa topic, saka may ganyan? Kahit kailan talaga, negosyante ang ABS-CBN,” sigaw ng netizen.

Ang latest na nasagap ng BISTADO sa usaping nabanggit ay ang pagpapalabas daw ng memo sa mga hosts ng show na kinabibilangan nina Elijah, Robbie, River Joseph, KD Estrada, Ralph de leon at Aya Fernandez na manahimik at huwag nang makisali pa sa mainit na reaksyon at diskurso ng madlang pipol.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles