Burado na ang sinasabing socmed posts ng ilang fans ni Bea Alonzo na kasama ang aktres sa kanyang pagbabalik taping para sa series nitong ginagawa sa GMA 7, ang “Whispers From Heaven.”
Sa mga naglabasang still photos kung saan makikitang nakikipag-usap si Bea sa kanyang co-star na si Tom Rodriguez, kasama ang direktor ng drama series na Zig Dulay, hindi nga daw mababanaag sa aktres ang anumang kalungkutan o depresyon sanhi ng postponement o cancellation ng kasal niya kay Vincent Co.
Halos two weeks ding namalagi sa Spain si Bea after ng commercial shoot nito ng isang produkto sa Thailand. Yun nga yung mga panahong pinag-uusapan na matutuloy pa ang kasal nila ng bilyonaryo at nag-iisang anak ng Co family na nagmamay-ari ng mga chain of supermarkets, groceries at iba pang negosyo, here and abroad.
Pero dahil naroroon na sa Spain kasama ang family ni Bea, in-enjoy na lang daw ng mga ito ang pagbabakasyon at pag-aasikaso sa kanilang negosyo din dun ,partikular na ang mga apartment na paupahan ng pamilya ni Bea.
Wala pang inilalabas na pahayag si Bea hinggil sa much-talked about wedding nila ni Vincent, pero marami pa din sa mga fans and supporters nila na humohopia (hoping) na very soon ay matutuloy pa rin ito lalo’t may mga nagbabalita na bukas pa rin at lagi pa din daw nag-uusap ang dalawa.
Ang “Whispers From Heaven” ang ikatlong drama series na gagawin ni Bea under Kapuso network.
Sa nasabing series ay makakasama niya sina Maricar Reyes, Cassy Legaspi at maraming iba pa. Ito rin ang magsisilbing “highlight event” for Bea para sa kanyang ika-25 taon sa showbiz industry.


