Sa nasagap na balita ng BISTADO ay tila sinasabing naging sobrang “entitled” na daw si Bela Padilla, isa sa mga bida sa action-drama series na Blood vs Duty sa ABS-CBN.
Ayon sa usap-usapan, may mga pagkakataon na daw na kung hindi man nagpapasabi na mali-late ang aktres sa kanyang tinanguang skedyul ng taping ay may oras umanong nagpapahintay pa ito.
Bagay na hindi daw nagugustuhan ng ilan sa mga kasamahan niya, partikular na si Baron Geisler na madalas daw nitong nakaka-eksena sa series,
Ayon sa tsika, may mga pagkakataong tila nagkakainitan ang dalawa na kilala bilang mga sobrang passionate sa kanilang trabaho at pagiging mga ‘committed artists.’
May tsika pang diumano’y tinawag na “retarded” ni Bela si Baron pagkatapos ng isang mainit na diskusyon ng dalawa.
“Noong una, gusto namin yun dahil nakakatulong na mas natural nilang mailabas ang kanilang husay, pero noong naapektuhan na ang iskedyul ng produksyon, napa-teka lang kami dahil may mga oras at budget din tayong sinusunod in running the series,” tsika ng BISTADO source.
Ayon sa parehong source, kinol na ni Baron ang dalas ng pagpapahintay umano ni Bela sa set, pero tila mas nakakuha pa ng kakampi si Bela.
May bersyon naman ng kuwento na si Baron umano ang sanhi ng tensyon sa set dahil kapag naghihintay daw ito ay tila may ganting mga ‘delaying tactics’ din ito by simply wanting to shoot scenes na advance at wala si Bela.
Wala pang anumang reaksyon ang parehong magaling na artista sa balitang ito kaya’t ang ibang netizen ay naniniwalang baka daw gumigimik lang ang produksyon para pag-usapan ang show dahil tila napag-iwanan ito sa ratings ng katapat na shows ng GMA7 at TV5.


