Simula ngayong June 6, Sabado ay mapapanood na ang pinakabagong game show ng Kapuso network na ‘The People Have Spoken’.
Handang-handa na nga ang mga hosts nitong sina Heart Evangelista at Sean Lucas para sa nasabing game show na may layuning makapagbigay ng papremyo sa mga manonood habang may mga isyu silang kakaharapin at sasagutin.
Ang newest Kapuso tandem nina Heart at Sean ay handa ng pakinggan ang boses ng publiko sa pinakamalaki at pinakabagong game show na aarangkada sa TV ngayong June 6.
Opisyal na ini-anunsyo sa pamamagitan ng programa ni Boy Abunda na Fast Talk sina Heart at Sean.
First time mag-host ni Heart ng game show. Ayon sa kanya, handa na siyang makipaglaro, makipagkulitan, at ibahagi ang sariling views sa mga tanong na pinag-uusapan ng publiko.
Si Sean naman ang tila magpupuno ng energy at tikas ng hanay ng mga Gen-Z na ayon pa sa programa ay magiging venue din ng mga information na tila nakalimutan na ng marami nang dahil sa social media.
Contract artist ng GMA Sparkle ang 23-anyos na si Sean na gustong hasain ng network bilang isang mahusay na host.
“Alam n’yo po si Sean is one of my students in hosting. He’s a very smart and opinionated young man. Kaya I think bagay sa kanya ang show na ito,” pagmamalaki ng King of Talk.
Sa The People Have Spoken, kailangang mapulsuhan ng celebrity contestants ang opinyon ng 100 studio audience tungkol sa iba’t ibang paksa at issues para manalo.
Kasama sina Heart at Sean, abangan din ang panibagong twist ng saya, kulitan, at energy sa game show na kung saan “POV mo, panalo!”
Meanwhile may mga bashers naman si Heart na nagsasabing bigla daw naging masipag magtrabaho itong asawa ni Sen. Chiz Escudero dala marahil ng mga intriga at iskandalong kinakaharap ng pulitikong asawa sa mga usapin sa flood control scandal.
May humirit pang bakit bigla din daw na nawala ang mga international travels at fashion events ni Heart simula ng maiskandalo ang asawa sa pulitika.
Basta, para mas higit nating malaman at maintindihan ang show, huwag palampasin ang The People Have Spoken, every Saturday simula June 6, 6:15 p.m., sa GMA 7.


