Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ginebra binawian ang Rain Or Shine

Maagang nagtatag ng 24-point lead ang Barangay Ginebra at ginawang sandigan para salagin ang Rain or Shine tungo sa 109-101 panalo sa Game 2 ng kanilang PBA Commissioner’s Cup best-of-seven semi final sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Biyernes.

Tabla na ang serye sa 1-1. Nanalo ang ROS sa Game 1 noong Miyerkules, 115-111.

Gaganapin ang Game 3 simula 7:30 p.m. sa Biyernes sa MOA Arena uli.

Bagamat may hamstring injury, nagtala ang Ginebra import na si Justin Brownlee ng 31 puntos, 15 rebounds at walong assists.

“He still has that hamstring issue which comes and goes,” ani coach Tim Cone.

“We tried to keep him off but he’s a warrior, we have a great training staff and they’ll get him ready for Sunday.”

Si RJ Abarrientos, na hindi natinag kahit tinamaan sa ilong, ay gumawa ng 21 puntos, anim na assists, dalawang steals, at dalawang rebounds.

“I’m hoping RJ didn’t break his nose though, his nose looks a bit misplaced so he’ll get out and get an X-ray on that nose,” ani Cone.

Malaking tulong din ang ibinigay nina Scottie Thompson (15 puntos, anim na rebounds at anim na assists), Japeth Aguilar (14, 12 at tatlo) at Troy Rosario (11, apat at tatlo).

Hindi rin basta sumuko ang E-Painters sa Gin Kings.

Mula sa 15 puntos kalamangan ng Gin Kings sa huling anim na minuto, nakalapit ang E-Painters sa 99-103 sa natitirang 32.3 segundo.

Ngunit nanatiling kalmado ang Gin Kings at napigilan ang E-Painters, sa pangunguna nina Rosario at Abarrientos, na tuluyang nagselyo sa panalo.

Sinabi ni Cone na kailangan nilang maging matalino kung paano pananatilihin ang kanilang enerhiya laban sa mabilis na laro ng ROS.

Sa isang banda, nagpahayag din ng pagkadismaya si Cone sa aniya’y maling tawag ng referee laban sa kanila sa endgame.

“I thought the game turned after a blocking call whistled on RJ Abarrientos. It should have been a charging foul on Jhonard Clarito. We got the short end of the call. We lost RJ for a few minutes and it hurt us,” ani Cone.

The scores:

First Game

GINEBRA 109 – Brownlee 31, Abarrientos 25, Thompson 15, J. Aguilar 14, Rosario 11, Gray 5, Holt 3, Pinto 3, Cu 2

RAIN OR SHINE 101 – Nocum 20, Clarito 19, Johnson 19, Mamuyac 18, Malonzo 8, Asistio 4, Santillan 4, Manaytay 4, Cuajao 3, David 2, Caracut 0

Quarters: 30-20; 62-40; 88-69; 109-101

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles