Tatlong magkakaibang kaso ang isinampa ni Bonifacio Baro, ang dating driver ni Rhian Ramos laban sa aktres at mga kaibigan nitong sina Michelle Dee at Samantha Panlilio.
“Slight illegal detention, unlawful arrest, at physical injuries,” ang mga reklamong isinampa nito laban sa mga nabanggit na magkakaibigan noong nakaraang Miyerkules, May 13 sa isang sala sa Makati City.
Kilala ring alyas ‘Totoy,’ ang dating driver ni Rhian, na sa kanyang sinumpaang salaysay, ay nagpahayag ng mga pangyayari noong Enero 17, 2026 sa condominium unit sa Makati City na tinitirhan nina Michelle at Rhian.
Base nga sa salaysay ni alyas “Totoy”, siya’y pinagtulungang bugbugin ng tatlong aktres at beauty queens, nang dahil sa ibinibintang sa kanyang pagnanakaw umano ng isang sobre na mayroong laman na USB at may mahahalagang dokumentong nakapaloob.
Sa naging depensa ng mga babae sa paratang ni alyas Totoy, pinabulaanan nila ang akusasyon ni alyas Totoy.
Nagsampa din ng kasong qualified theft si Michelle laban kay alyas Totoy na ayon sa abogado ni Michelle ay, “it (case) is now pending before the Metropolitan Trial Court Branch 127 of Makati.”
Ayon naman kay G. Arsenio “Boy” Evangelista, presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na siyang tumutulong kay Baro mula nang lumantad ito at magpasyang dalhin sa piskal ang kanyang reklamo, “Totoy is firm and wants to get justice, accountability, at most of all, ayaw niya ng areglo.”
Last January pa naganap ang naturang insidente at kaya daw inabot sila ng halos apat na buwan bago ito naisampa sa piskal ay dahil sa pag-gather at pag-kolekta nila ng mga corroborating statements, CCTV materials at ang backtracking of events.
Ayon pa kay Evangelista, “it took time for NBI to file the case because they wanted to have an airtight case for the case build-up that will lead to a reasonable certainty of trial to a higher court and lead to conviction.”
“Baseless” naman ang reaksyon ni Atty Maggie Garduque bilang legal counsel ni Michelle.
Ayon umano sa statement na ipinadala nito sa programa ni kuya Boy Abunda na The Fast Talk sa GMA 7, kung saan minsan na ding tinalakay ang isyu simula ng pumutok ito noong Enero, “we find the timing of the filing of the cases suspicious considering that there are other more pressing cases/ controversy the bureau is facing now.
Sa kaugnay na balita, may mga inihahanda na ding counter legal cases na umano’y isinampa na din nina Rhian at Samantha laban kay Baros.


