Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TALON SA BAGONG BUHAY – Kabanata 71

Kabanata 71: Lockdown

PUM!

Umalingawngaw ang putok sa labas ng compound.

Kasunod pa.

Sunod-sunod.

Mas malapit.

Mas mabilis.

Biglang nag-flash ang pulang ilaw sa buong vault.

LOCKDOWN INITIATED.

LOCKDOWN INITIATED.

Tahimik na computerized voice.

Mas nakakatakot dahil kalmado.

“Move!” sigaw ni Vega.

Parang sumabog ang operations floor.

May mga security na agad tumakbo sa magkabilang corridor. May mga monitor na nagpalit ng camera feed. May mga tactical team na nagsuot ng body armor habang tumatakbo.

Sa screen—

Nagkakagulo na sa ibabaw ng compound.

Mga ilaw.

Mga armadong tao.

At sa north perimeter—

Bumaba na ang helicopter.

“Three hostiles confirmed!”

“Negative— five!”

“Thermal signatures moving west!”

“Inner fence breached!”

Sunod-sunod ang sigaw sa radyo.

Sa gitna ng lahat, hawak ni Ariel ang balikat ni Jiro.

Mahigpit.

“Makinig ka sa akin,” sabi niya.

Diretso ang tingin.

“Kahit anong mangyari, huwag kang lalayo kay Claire.”

Nanlaki ang mata ni Jiro.

“Pa—”

“Huwag kang matatakot.”

Pero kahit si Ariel—

Alam niyang hindi sapat iyon.

Sa kabilang side, si Claire.

Tahimik.

Pero alerto ang mata.

Hindi siya natataranta.

Hindi siya sumisigaw.

Parang biglang bumalik ang senador na sanay sa krisis.

“Anong exit route?” tanong niya kay Vega.

“South tunnel,” sagot nito agad.

“Armored transport waiting below.”

“Then why are we still standing here?” sagot ni Claire.

Napatingin si Vega sa kanya.

Bahagyang napangiti.

“Now I see why he fell for you.”

Hindi na sumagot si Claire.

Sa screen—

Biglang nagdilim ang isa sa camera feeds.

Static.

Pagkatapos—

Mukha ni Adrian Brennan.

Malapit.

Masyadong malapit.

Parang siya mismo ang may hawak ng camera.

“Still hiding underground, Ariel?” sabi niya.

Kalma.

Halos natatawa.

Tumalim ang tingin ni Ariel.

“Adrian.”

“Nice to finally meet the family,” dagdag ni Adrian.

At doon—

Napatingin siya diretso sa camera.

Parang diretso kay Jiro.

“Especially you.”

Nanlamig ang batok ni Jiro.

“Pa…” mahina niyang sabi.

Dahan-dahang humakbang si Ariel papunta sa screen.

Hindi siya sumisigaw.

Mas delikado.

“What do you want?”

Bahagyang ngumiti si Adrian.

“The same thing our families always wanted.”

Tahimik.

“Control.”

Pagkatapos—

Biglang nagputukan ulit.

Mas malakas.

Mas malapit.

BOOM!

Niyanig ang buong vault.

Napailalim si Esther sa mesa.

“Diyos ko!”

Nawalan ng ilaw saglit.

At sa isang segundo ng dilim—

Biglang bumukas ang emergency lights.

Mas pula.

Mas nakakatakot.

“North gate compromised!” sigaw ng isang security.

“Sir, they’re inside the compound!”

Biglang lumapit si Vega kay Ariel.

“We move NOW.”

Tumango si Ariel.

“Take them.”

Dalawang tactical officers agad lumapit kina Claire at Esther.

“Ma’am, this way.”

“Hawakan mo kamay ako,” sabi ni Claire kay Jiro.

Mahigpit.

At habang tumatakbo sila palabas ng operations floor—

Muling nagsalita si Adrian sa speakers.

“You really think Cleansweep can protect them?”

Tahimik.

Pagkatapos—

“Ask Raymond.”

Nanlamig si Ariel.

Huminto siya.

Saglit.

“Pa?” tanong ni Jiro.

Dahan-dahang napalingon si Ariel.

Sa unang pagkakataon—

May galit sa mata niya.

Hindi malamig.

Hindi kontrolado.

Purong galit.

“Move,” sabi niya.

Mababa.

Pero delikado.

Mabilis silang tumakbo sa steel corridor sa ilalim ng vault.

Umaalingawngaw ang yabag.

May mga pulang ilaw sa kisame.

May mga armored doors na isa-isang nagsasara sa likod nila.

“Faster!” sigaw ng tactical lead.

Biglang—

PUM!

May bala na tumama sa bakal na dingding sa harap nila.

Napasinghap si Jiro.

“They’re inside!”

Kasunod agad—

Sunod-sunod na putok.

Tinulak siya ni Ariel pababa.

“DOWN!”

Bumagsak silang dalawa sa sahig.

Sa kabilang side, bumunot ng armas si Vega.

“CONTACT FRONT!”

At sa makitid na corridor ng underground vault—

Sumabog ang unang totoong bakbakan sa pagitan ng mga pamilyang Rueda at Brennan matapos ang labingwalong taon. /Itutuloy sa susunod na kabanata

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles