Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bolick, Bol nangunguna sa labanan para sa Best Player, Best Import 

Nangunguna si Robert Bolick ng NLEX sa karerapara sa Best Player of the Conference (BPC) samantalang si Bol Manute Bol ng TNT naman ang lider para sa Best Import ng PBA Commissioner’s Cup Season 50.

Sa pagtatapos ng eliminations noong Mayo 10 kung saan No.1 ang NLEX, si Bolick ay naka-ipon ng 41.9 statistical points (SPs) upang ungusan ang higante ng San Miguel Beer na si June Mar Fajardo, Season 49 Rookie of the Year RJ Abarrientos ng Barangay Ginebra, Ricci Rivero ng Phoenix at Xavier Lucero ng Magnolia.

Twice-to-beat ang NLEX ngunit nasilat ng defending champion TNT (No. 7) sa pangunguna ni Bol noong Myerkules, 96-93.

Nakatakda ang playoff nila para sa semifinals ngayong Sabado sa ganap na 7:30 p.m. sa Ynares Center Antipolo. 

Si Bolick ang leader sa assists (8.8), bukod sa average na 20.5 points, 5.7 rebounds at 1.8 steals.

Si Fajardo, edad 36 at may 13 BPC award na, ay may 39.5 SPs; si Abarrientos, 37.5 SPs; si Rivero, 34.9 SPs; at si Lucero, 33.5 SPs.

Nangunguna sa scoring si Abarrientos na may average 21.5.

Ang iba pa sa top 10 ay sina Jerrick Ahanmisi ng Terrafirma (32.8), Scottie Thompson ng Ginebra (32.2), CJ Perez ng San Miguel (31.6), Deschon Winston ng NLEX (31.1) at CJ Cansino ng Meralco (29.9).

Samantala, si Bol ay mayroong 59.4 SPs at nangunguna sa scoring sa 38.2 average at blocked shots sa 4.3 average.

Si Bennie Boatwright ng San Miguel ay may 53.4 SPs at sinusundan nina Cady Lalanne ng NLEX, 50.6; Justin Brownlee ng Ginebra, 50.3; at Jaylen Jayson ng Rain Or Shine, 47.8.

Ang iba pang import ay sina Robert Upshaw ng Blackwater (47.2), Jonathan Williams ng Phoenix, na nanalo sa Season 48 noong 2024 (46.7), Clint Chapman ng Magnolia (45.8), Mubashar Ali ng Terrafirma (42.7) at Marvin Jones ng Meralco (42.2).

Si Wiliams ang nangunguna sa rebounds (16.7) at assists (6.0) sa loob ng tatlong laro bilang kapalit ni James Dickey na nagkaroon ng injury.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles