Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Chiu, pinalagan ang mga kapwa-Bisaya

Buong tapang na sinagot at pinalagan ni Kim Chiu ang mga naging batikos sa kanya ng mga netizen lalo na yung nagpakilalang mga kapwa taga-Visayas o mga Bisaya sa Mindanao na kilala diumano ang aktres-host.

Isa kasi si Kim sa mga artistang aktibo sa pagbibigay ng kanyang kuro-kuro sa mga nangyayari sa bayan, partikular na ang latest ganap sa Senado.

Hindi man pinangalanan ni Kim ang tinutukoy na lider na diumano’y nagbibigay ng kahihiyan sa bansa dahil sa pag-iwas nito sa ‘warrant of arrest,’ marami namang nag-conclude na si Sen. Bato dela Rosa ang tinutukoy nito.

Sa X (dating Twitter), ini-repost ni Kim ang video clip nang pag-uulat ni Zyan Ambrosio (ABS-CBN) kalakip ang caption niyang (published as is), “Grabe! Anong nangyayari sa Pilipinas? bilang normal na Pilipino at nagbabayad ng tamang buwis, sa aking opinyon, walang mangyayaring ganito kung kusang susuko ang taong nagsasabing wala siyang kasalanan.”

Dito kinuyog ang aktres ng sari-saring bashing mula sa mga supporter ng Senador, lalo’t sinundan pa niya nag post ng, “pangalawa at huli, eto ba ang binoto nyong senador na nagsasabing magsisilbi sa ating bayan? Panahon na para pag isipan natin na Bumoto ng tama.”

Sinagot siya ng ilang netizen, “Hay nako Kim Chiu, if you don’t know the law, politics, and sovereignty, just don’t talk anymore.”

Saad pa ng isa, “First, study the law. Please research Ms. Kim, what Sen. Bato’s contribution to the country. How typical of you pinklawan. Even your outrage is selective.”

May humirit ding, “Kim, why don’t you just join in with fellow Bisaya folks since that’s what you are! Mostly your fans are Bisaya, one of them being me..mostly Bisaya pro-Duterte..I’m just suggesting you balance it out well.”

Dagdag pa ng isa (published as is), “kim, just don’t join anymore please because you’re losing respect for your fellow Bisaya. we’ll give you a chance to shut up because you’re Bisaya. You’ve been living in Manila for so long that’s why you’ve forgotten what the Dutertes did nicely in Cebu. don’t go through cclex ha.”  

Hindi nagpatinag si Kim bagkus ay sunod-sunod ang naging tugon nito sa Bisaya, “Hindi po tayo ang magkakalaban. Pare-pareho lang tayong mamamayan. Wala tayong kapangyarihang tulad nila, kaya sana dili mu mangaway oi. (Sana hindi na kayo mag-away-away.)

“Murag mga bata naman ning uban ba (Para kayong mga bata.)

“Kung unsa imong ganahan edi okay. Ako mao man ni ako ganahan. Pasagdii (Kung ano gusto, edi okay. Ako, ito yung gusto ko, hayaan niyo ako.).”

Dagdag pang pahayag ni Kim, “Nakakalungkot. That’s what happens when concern and opinion don’t align with them—gusto agad patahimikin. Nasanay na ako. Oo, Bisaya ko, pero Pilipino rin akong may karapatang magsalita at magpahayag ng saloobin. Masakit magbayad ng buwis tapos ganito ang nakikita natin.”

Matatandaang noong 2025 ay pinarangalan ang It’s Showtime host kasama ang iba pang kinikilala ding mga celebrities ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang isa sa mga top tax-paying media personalities ng Quezon City para sa taong 2024.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles