Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PSC, Philippine Life Saving Society nagsanib para bawasan ang bilang ng nalulunod

Nakipag-alyansa ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Life Saving Society (PLS) para labanan ang tinatawag nilang “silent epidemic” ng mga kaso ng pagkalunod.

Ayon kay PSC Chairperson Patrick Gregorio, panahon na upang pa-igtingin ang mga lifesaving program sa 18 rehiyon sa bansa.

“Every drowning is preventable. It is unacceptable that thousands of lives are lost each year simply because lifesaving skills are not widespread. This program is about protecting our children, our athletes, and our communities,’’ ani Gregorio.

Ang PLS, sa pamumuno ni chief executive officer Arne Navarra, ay naglalayon magbigay ng pagsasanay sa 75,000 lifesaver hanggang marating ang minimum na 60 percent na bawas sa banta ng pagkalunod.

Si Presidente Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nag-utos sa PSC na ipatupad ang program sa buong bansa matapos malaman ang ang data ng pagkalunod mula sa bunsong anak na si William Vincent Marcos at Australyanong si John Carby, na nakatira sa Siargao Island at isa sa instrumento ng pag-angat ng surfing sa Pilipinas.

“In 2009, our research showed more than 7,000 children drowned. In 2011, there were 40,000 drowning incidents across all ages. It’s a silent killer,’’ ani Navarra.

Umaabot din ng 10,000 taon-taon ang mga kaso ng nalunod at muntik malunod.

Dagdag ni Gregorio, nabalitaan ni Presidente Marcos ang trahedya kamakailan sa San Juan, La Union kung saan may mga batang nalunod sa beach.

“Masyadong masakit para sa pamilya ang mawalan ng anak habang nagbabakasyon sa ating mga beach. Maraming Pilipino ang hindi marunong lumangoy dahil sa pangamba sa dagat,’’ ani Gregorio. “Iyan po ang proyekto ng PSC sa pakikipagtulungan sa Philippine Life Saving Society. Save lives and enjoy the beach.”

Paala-ala ni Navarra, ang batas mismo ang nagtatakda na ituro ang lifesaving.

“Republic Act 10121 or the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 mandates industries to be trained in lifesaving, and it’s already integrated into K to 12. But we need to scale this inter-island, nationwide,” ani Navarra.

RA 10121 ang nagtatag sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang surf lifesaving ay planong isama sa 2032 Brisbane Olympics at nais ni Gregorio na bumuo ng national team na maaaring ilaban.

“This is more than a sport, it’s a matter of survival. The numbers don’t even count all cases,’’ ani Gregorio. “That’s why we will be working closely with Arne Navarra’s group and John Carby. The Australians are donating with the PLS and the government working together. This is a rare opportunity where sport and public safety converge, and the Philippines must seize it.’’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles