Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kathryn, i-aanunsyo na ang relasyon kay Mayor Mark Alcala?

Dahil hindi nga nangyari ang inaasahan ng mga fans na noong Feb 23 (Lunes) mag-aanounce si Lucena Mayor Mark Alcala ng totoong ugnayan nila ni Kathryn Bernardo, may mga nagsasabing baka daw si birthday na ito ng sikat na aktres gawin. Ngayong darating na March 23 mag-birthday si Kathryn, kaya’t marami ang nag-aabang na baka mag-anunsyo na ito.

Paano kasi, bistadong bistado na ng netizen ang pag-follow ngayon ni Kath sa socmed account ng Lucena Mayor.

Nag-birthday last Monday si Mayor Alcala, na sa napakaraming pagkakataon ay nakikita ngang ka-date ni Kath sa iba’t-ibang lugar at okasyon.

Sabi ng aming source mula sa opisina ng Mayor, open secret man daw sa kanila ang naturang bagay, hindi naman daw sila pinagbabawalan na mag kwento sa kung ano lang yung totoo. “Basta laging inspired si Sir. Masaya, magiliw sa lahat, masipag, focused,” sey ng aming kausap.

Hindi man nasabi ng aming source kung nagkaroon ng special date ang Mayor with Kath noong birthday nito, sure daw silang masaya si Mayor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles