Samantala, tahasan namang pinabulaanan ni papa Dingdong Dantes ang kumalat na post niya daw hinggil sa umano’y naging saloobin niya sa pag-deklara ng kandidatura ni VP Sara Duterte.
“Not mine,” ang simpleng sagot ng kilalang aktor-host sa pinag-usapang statement na tila nagpapahayag ng pagkabahala kung sakali mang manalo bilang Presidente sa susunod na eleksyon ang current VP ng bansa.
Mainit ngayong pinag-uusapan ang naturang deklarasyon ni VP Sara dahil muli itong nagbigay ng mga samu’t-saring opinyon hanggang sa showbiz.
Kalat na kalat na nga din ang pagsagot ni Sen. Robin Padilla na open siyang maging ka-tandem ng VP kung sakali daw na mismong si dating Pangulong Digong Duterte ang hihiling nito.
Kumalat na din ang tambalang Sen. Imee Marcos at Sara, though sinabi ng una na hanggang sa pagsuporta lang siya at nangakong hindi iiwan si VP Sara unlike her President brother.
Sa panig nga mga nasa kabilang kampo, lutang na lutang ang name ni dating VP Leni Robredo na siyang malakas na pantapat kay Sara. Maraming mga celebrities na din ang biglang naging active sa muling pagpapa-ingay ng name niya, kasama pa ang name ng matapang na Sen. Rissa Hontiveros.
Too early to tell, pero sadyang ang buhay sa bansang ito ay tila umiikot lang sa mga tsismis sa showbiz at iskandalo sa politics. Hay,….


