Sandali naman naming nakahuntahan si Dylan Menor after the event.
Kahit daw natalo sila ng one point ng mga kaibigang artists, mula sa mga networks ng Kapatid, Kapuso at Kapamilya, hindi na raw niya makakalimutan ang pangyayari lalo’t natupad na naman daw ang isa mga childhood dreams niya.
“Grabe, I could not be happier and more satisfied. Bata pa lang ako ay pangarap ko ng makatuntong sa court ng Araneta, makapaglaro, mag-dribble ng bola and be with this kind of crowd. Very surreal, pero I am so happy,” sey pa ng bidang aktor ng Project Loki na napapanood ngayon sa Viva One.
Kinarir din daw naman nila ang paglalaro dahil bukod sa may panahon sila to train with the professional coach and other cagers, “we were seriously giving fun to the fans. Ang sarap lang ng feeling na para kaming mga tunay na basketball players inside the court, all with coaches, referees and adoring crowd” dagdag pa nito.
For now ang Project Loki TV series nga daw ang kanyang pinagkakaabalahan and come Holy Week, dito lang daw siya at ng pamilya niya sa Pilipinas para kahit papaano ay makapag-nilay-nilay at makapagpahinga ng kahit isa o dalawang araw.
Halos naging sunod-sunod kasi ang ginawang projects ni Dylan, na maituturing na number one artist ng MediaQuest ng TV5.


