Matagumpay na naidaos ang kauna-unahang MVPO Sigla All Star Basketball Game (Manny V Pangilinan Olympics) na ginanap sa Araneta Coliseum last Feb. 24.
Maraming mga empleyado ng mga kumpanyang PLDT at Meralco, sa pamamahala ni Madam Chaye Cabal-Revilla ng MPIC (Metro Pacific Investments Corp) ang aliw na aliw sa hatid na saya ng proyekto ni sir Manny V. Pangilinan.
Under PLDT group ang Blue team na nag-uwi ng kauna-unahang championship under coach Jojo Lastimosa at team manager na si Mr. Ricky Vargas.






Miyembro nito sina Diego Loyzaga,Joao Constancia, Wendell Ramos, Cedrick Juan, Rabin Angeles, Prince Carlos, Lance Carr, Ryan Eigenmann, CJ Ramos, habang nasa injury list naman sina Enrique Gil at Paulo Angeles.
At dahil nasa sideline sina Quen (Enrique) at Paulo, sila ang naging biggest ‘cheerers’ ng team nila. Marami ang tuwang-tuwa kay Enrique dahil wagas ito kung makasigaw na may patayo-tayo pa at sayaw-sayaw to the delight of his fans.
Hindi na nila pinaglaro ang ‘import’ nilang si CJ Cansino dahil isa na nga itong pro player sa PBA at hindi nga naman fair kung isasabak siya sa laro. Basta nandun lang siya para tilian ng mga fans hahaha! Very impressive ang Davao-native at guwapong si Lance Carr dahil talagang may basketball moves ito.
Nakakatawang panoorin ang karamihan sa mga players na alam mong mas piniling maging artista kesa maging atleta hahaha! For fun lang talaga ang lahat though very impressive naman ang basketball moves ng mga gaya nina Lance, Prince, at Diego sa naturang team. Pero si Wendell Ramos naman ang naging big hero nang pareho nitong ma-i-shoot ang two free throws sa last .4 seconds ng laro kaya lumamang sila ng one point over White Team, 60-59, final score.
Ang White team naman under Meralco group ay binubuo nina Derek Ramsay, David Licauco, Prince Clemente, Kevin Dasom, JC de Vera, Marco Gallo, Boom Labrusca, Michael Ver, Martin Venegas at Dylan Menor, under Coach Luigi Trillo at team manager Atty. William Pamintuan.
Sa hanay nila. magaling maglaro sina David, JC at Kevin kaya naman grabe ang lakas ng sigawan every time makaka-iskor sila. Kung ang White team nga ang pinalad, marahil baka si David ang maging star player.
Tinapos din ni Dennis Trillo ang game kasama ang iba pang celebrities gaya nina Pops Fernandez, Sam Concepcion, Herlene Budol na halatang na-star struck sa import ng Meralco na si Bol Bol from USA na 7’6″ ang taas. Nag-perform din sa half-time ang napaka-seksing si Andrea Brillantes kasama ang mga seksing chika-babes ng TV5.
Ang dating magaling na PBA player na si Ronnie Magsanoc ang isa sa mga anchor-analysts ng game, habang si Asi Taulava naman na empleyado na pala ng MVP group ay nandun din to support.
Hindi na namin nakuha pa ang names ng iba pang mga atleta at beauty queen na naroroon, cheering for each team.
Bukod sa mga fans at ilang mga kasamahan sa media, karamihan sa mga nanood ay mga empleyado at mga pamilya ng lahat ng mga kumpanya ni MVP.
Congratulations and more years to go!


