Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PGMN founder Franco Mabanta, 4 pa inaresto ng NBI sa umano’y P300M extortion vs former Speaker Romualdez

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder at chairman na si Roberto Ma. Franco Cruz Mabanta, kilala rin bilang Franco Mabanta, at apat pang indibidwal sa isang entrapment operation kaugnay ng umano’y P300 million robbery extortion scheme laban kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag sa isang press conference nitong Miyerkules ang pagkakaaresto kay Mabanta. Si Mabanta ang nagpasimula ng PGMN, na nagpapalabas ng political commentaries sa social media.

Batay sa detalye ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (OTCD), isinagawa ang entrapment operation noong May 5 para sa alleged robbery (extortion), in relation to Republic Act No. 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Nag-ugat ang kaso sa complaint na inihain ni Romualdez laban kay Mabanta, na umano’y nakipagsabwatan sa ilang indibidwal, kabilang ang isang anchor ng network na kinilalang si “CJ Hirro.”

Lumabas sa imbestigasyon na umano’y tinakot ni Mabanta ang complainant sa pamamagitan ng isang intermediary. Ang banta, ilalabas umano ang online content na nag-uugnay kay Romualdez sa korupsyon sa House of Representatives.

Kapalit ng hindi paglalabas ng umano’y exposé, hinihingi umano ni Mabanta ang P300 million, na babayaran sa apat na tranche na tig-P75 million. May bahagi rin umano ng video material na ipinadala para patibayin ang banta.

Bunsod ng complaint, naglatag ng entrapment operation ang NBI-OTCD nang maisaayos ang delivery ng first tranche na nagkakahalaga ng P75 million.

Bandang 5:30 p.m., nakipagkita umano si Mabanta sa undercover agents na nagpanggap na representatives ng complainant sa The Manila Peninsula Hotel sa Makati City. Sa meeting, inulit umano ni Mabanta ang demand at inutusan ang agents na dalhin ang pera sa Valle Verde Country Club sa Pasig City sa isang “Jimmy,” na kalaunan ay nakilalang si Jardine Christian Serrano.

Pagdating ng entrapment money, tinanggap umano nina Serrano at Franco Jose Gallardo ang cash at dinala ito sa isang function room sa loob ng club. Nandoon umano naghihintay si Mabanta at dalawa pang indibidwal na sina Ericson James D. Pacaba at John Alexander Vasquez Gomez.

Agad nagsagawa ng operasyon ang arresting team, na nagresulta sa pagkakaaresto nina Mabanta, Pacaba, Gomez, Serrano, at Gallardo.

Narekober sa mga subject ang entrapment money at mobile phones na umano’y ginamit sa pag-coordinate ng transaction.

Nasa kustodiya na ng NBI-OTCD ang limang inaresto para sa booking, documentation, at inquest proceedings.

Binigyang-diin ni Matibag na tuloy ang pagtugis ng NBI sa mga indibidwal na umano’y gumagamit ng online platforms, intimidation, at blackmail schemes para sa personal gain.

“Freedom of expression is protected by law, but it must never be used as a shield for extortion, intimidation, or criminal exploitation. The NBI will relentlessly pursue those who weaponize digital platforms to threaten, harass, and unlawfully profit from others,” ani Matibag. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles