Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

16 timbog sa illegal cable wire theft sa San Juan, minor nasagip

Arestado ang 16 indibidwal matapos mahuling nagpuputol at naghahakot umano ng underground copper cables sa San Juan City madaling-araw ng May 5.

Isinagawa ng Eastern Police District at San Juan City Police Station ang operasyon bandang 12:15 a.m. sa Araullo Street, Barangay Addition Hills, matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen.

Naabutan umano ang mga suspect habang pinuputol at isinasakay ang mga cable.

Kabilang sa mga naaresto ang isang 48-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Gabe.” Pinaghahanap pa ang umano’y lider ng grupo na kilala sa alyas na “Pipoy.”

Isang menor de edad din ang nasagip sa operasyon.

Narekober mula sa mga suspect ang underground copper cable wires na pag-aari ng isang telecommunications company at nagkakahalaga ng P456,159.

Nasamsam din ang isang closed van, isa pang sasakyan, bolt cutters, steel bars, at iba pang gamit umano para ma-access ang underground cable lines.

Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga inaresto para sa paglabag sa Republic Act No. 10515, o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013, at theft sa ilalim ng Revised Penal Code. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles