Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Meralco, Ginebra lumapit sa q’final bonus ng PBA Commissioner’s Cup

Tumibay ang pwesto sa top four ng Meralco at Barangay Ginebra nang kapwa manalo sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Linggo.

Hindi pinaporma ng Meralco ang kulelat na Blackwater, 108-93, samantalang wagi ang Ginebra kontra Rain Or Shine, 114-90.

Tumabla ang Gins Kings sa Elasto Painters, 8-3, kasunod ng solo leader NLEX Road Warriors (9-2). 

Matapos ang pitong sunod na panalo sa panimula ng conference, lagapak ang E-Painters sa ikatlong talo sa huling apat na laro.

No. 4 ang Meralco sa kartada 7-3. Ito na ang pang-walong sunod na quarterfinals ng koponan ni coach Luigi Trillo.

Nanguna sa box scores ng Meralco ang import na si Marvin Jones (26 puntos, 2 rebounds).

Pumangalawa si Chris Banchero na may 14 puntos.

“It’s a testament to these guys, that they came locked in. Gives us a chance now to really put pressure and get a chance to get that top four,” ani Trillo.

“This could be big, the next games, if we can get the twice-to-beat.”

Dahil sa ikatlong sunod na pagkatalo, kasama na ng Blackwater sa dulo ang Macau (2-9).

Nanguna muli para sa Ginebra si Justin Brownlee na nagbuslo ng 40 puntos, kasama ang anim na three-pointer.

“We were all feeling terrible against [the Meralco Bolts],” ani Ginebra coach Tim Cone tungkol sa 91-112 pagkatalo sa Meralco noong Byerns. “But we weren’t discouraged because we knew that it was not us.”

Samantala, selyado na ang twice-to-beat bonus ng NLEX matapos sibakin ang Converge, 100-81, noong Sabado ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Kung papalarin sa Miyerkules kontra Titan Ultra para sa ikaapat na sunod na panalo, sigurado na ang top seeding ng mga bata ni coach Jong Uichico.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles