Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Aksyon vs pagmahal ng sibuyas, tinutukan

Kasabay ng ugong ng muling pagtaas ng presyo ng sibuyasa, agad na iniutos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na bumili ng produkto ang state-owned Food Terminal Inc. (FTI) para tumulong magpatatag ng presyo sa palengke.

Ayon sa DA, direktang bibili ang FTI ng sibuyas mula sa mga magsasaka at tutulong maglabas ng suplay sa mga lugar na kulang ang stocks. Ang target, hindi mabagsak ang presyo sa bukid at hindi rin sumirit ang presyo sa retail. Ibig sabihin, protektado ang farmer, hindi rin dehado ang mamimili.

Sinabi ng ahensya na kapag may presensya ang gobyerno sa bentahan at distribusyon, nababawasan ang tsansa ng hoarding at biglaang pagtaas ng presyo. Mas mino-monitor na rin ang galaw ng presyo sa iba’t ibang rehiyon para agad maaksiyunan kung may kakaibang pagtaas.

Matatandaan na naging isyu ang sibuyas matapos umabot sa mataas na presyo sa mga nakaraang taon. Kaya ngayon, mas agresibo ang DA sa pag-control ng supply at pag-check ng presyo sa merkado. Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa local government units at traders para masigurong maayos ang daloy ng produkto mula bukid hanggang palengke.

Umaasa ang DA na sa pagpasok ng FTI, mas magiging steady ang presyo ng sibuyas habang hinihintay ang susunod na ani. Mensahe ng ahensya, hindi pababayaan ang magsasaka at hindi hahayaang maipit ang mga mamimili sa taas-presyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles