Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

WALANG TUBIG! Water interruption sa ilang parte ng Metro Manila, Rizal, Cavite ngayong linggo

Maghanda ng ipong tubig ngayong linggo kung ikaw ay residente ng ilang parte ng Metro Manila, Rizal, at Cavite dahil magkakaroon ng magkakasunod na water service interruptions dulot ng maintenance works, leak detection, network activities, at mataas na demand.

Batay sa anunsyo ng Manila Water Company Inc., mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Rosario, Manggahan, at Maybunga sa Pasig City mula May 4 hanggang May 5, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa step testing activities para hanapin ang mga tagas sa linya.

Sa Quezon City, apektado ang ilang lugar sa Teachers Village East, Teachers Village West, UP Campus, San Vicente, at Old Capitol Site mula May 5 hanggang May 6, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa step testing sa Maginhawa St. corner Masaya St. Kasama rin sa mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Brgy. Culiat at Brgy. Vasra mula May 5 hanggang May 7, 10 p.m. hanggang 4 a.m., at ilang bahagi ng Brgy. South Triangle mula May 7 hanggang May 8, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa step testing sa Timog Ave. corner T. Morato Ave.

Sa Marikina City, ilang bahagi ng Brgy. Marikina Heights ang apektado mula May 5 hanggang May 6, 10 p.m. hanggang 4 a.m. Sa San Juan City, walang tubig sa ilang lugar ng Balong-Bato, San Perfecto, Progreso, Rivera, at Pedro Cruz mula May 7 hanggang May 8, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa step testing sa F. Roman St. corner Aurora Blvd. Sa Taguig City, kasama sa apektado ang ilang bahagi ng Brgy. Central Signal mula May 7 hanggang May 8, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa step testing sa Cuasay St. corner Sto. Niño St.

Sa Rizal, mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Brgy. Sto. Domingo sa Cainta mula May 4 hanggang May 5, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa line meter replacement sa Imelda Ave. corner VCS Homes. Apektado rin ang ilang lugar sa Brgy. San Roque at Brgy. San Andres sa Cainta mula May 6 hanggang May 7, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa step testing sa A. Rodriguez Ave.

Sa Antipolo, ilang bahagi ng Brgy. Mayamot ang apektado mula May 5 hanggang May 6, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa leak repair sa Soliven Ave. May interruption din sa ilang lugar ng Brgy. San Jose sa Antipolo at Brgy. Pinugay sa Baras mula May 5 hanggang May 6, 10 p.m. hanggang 4 a.m., dahil sa step testing sa Marcos Highway.

Batay naman sa anunsyo ng Maynilad Water Services Inc., may service interruption naman sa ilang bahagi ng Gen. T. De Leon, Karuhatan, Malinta, Marulas, Maysan, at Parada sa Valenzuela City mula May 4 hanggang May 8, 12:01 a.m. hanggang 4 a.m., dahil sa network maintenance activities.

Sa Maynila, ilang lugar sa Barangays 313, 314, 329, 330, at 335 ang apektado mula May 3 hanggang May 10, 10 p.m. hanggang 5 a.m., dahil sa leak exploration works. Sa Santa Cruz, kasama ang ilang lugar sa Barangays 306, 307, 308, 309, 310, 311, 313, at 315 mula May 4 hanggang May 11, 11:01 p.m. hanggang 3 a.m. Apektado rin sa parehong petsa at oras ang Barangays 396, 397, 398, 399, 400, 401, 402, 403, 404, 430, 457, at 460.

Sa Tondo, mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Barangays 124, 128, 129, 130, 131, 132, 133, 134, 135, 136, 137, 138, 139, 140, 141, 142, 143, 144, 145, 146, 177, 179, 180, 181, at 182 mula May 3 hanggang May 10, 10 p.m. hanggang 5 a.m. May interruption din sa ilang lugar ng Barangays 1 hanggang 10, 56 hanggang 65, 74, 75, 76, 78, 81, 147 hanggang 153, 163, at 168 hanggang 172 mula May 4 hanggang May 10, 12 a.m. hanggang 3 a.m.

Kasama rin sa Maynilad interruptions ang ilang bahagi ng Brgy. 649 mula May 4 hanggang May 11, 11:01 p.m. hanggang 3 a.m., at Barangays 17, 18, 19, 50, 51, 52, 53, 54, at 55 mula May 4 hanggang May 5, 10 p.m. hanggang 4 a.m.

Sa Imus City, Cavite, ilang lugar ang mawawalan ng tubig mula May 4 hanggang May 5, 5 a.m. hanggang 12 a.m., dahil sa high water demand sa Patindig Araw pumping station. Kabilang sa apektado ang mga barangay sa Alapan, Anabu, Bayan Luma, Bukandala, Carsadang Bago, Malagasang, Medicion, Poblacion, at Tanzang Luma. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles