Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

EDSA@40: Diwa ng People Power, sinariwa sa lansangan

Apat na dekada matapos ang People Power Revolution, muling napuno ng alaala at panawagan ang EDSA habang ginunita ang ika-40 anibersaryo ng makasaysayang pag-aalsa na nagpatalsik sa diktadurya noong 1986. 

Nagtipon ang iba’t ibang grupo, dating aktibista, estudyante, simbahan, at civil society organizations upang alalahanin ang diwa ng pagkakaisa at ipaalala ang kahalagahan ng demokrasya sa gitna ng kasalukuyang pulitika.

Maaga pa lang ay nagsimula na ang mga programa, kabilang ang misa, cultural performances, at testimonya ng mga nakaranas ng EDSA mismo. 

Para sa ilan, ang pagdiriwang ay hindi lamang selebrasyon kundi paalala sa mga kabataan kung paano pinili ng taumbayan ang mapayapang pagbabago. Ayon sa mga organizer, layunin ng mga aktibidad na muling buhayin ang diskurso tungkol sa human rights at civic participation.

May mga dumalo rin na nagbitbit ng plakard na nananawagan ng accountability at pagprotekta sa mga institusyon ng demokrasya, kasunod ng isyu ng flood control at korupsyon.

Habang nagpapatuloy ang mga programa sa kahabaan ng EDSA, naging sentro rin ng diskusyon ang papel ng People Power sa kasalukuyang political climate. May mga lider-simbahan at civic groups na nanawagan na ipagpatuloy ang diwa ng mapayapang pagkilos laban sa abuso sa kapangyarihan. Anila, ang kasaysayan ay hindi lang binabalikan kundi pinagbabatayan ng susunod na hakbangng bansa./Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles