Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Meralco tinambakan ang Ginebra, pumasok sa top 4

Binasag ng Meralco ang winning streak ng Barangay Ginebra, 112-91, Byernes ng gabi at pumasok na sa top four ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Umakyat sa 6-3 kartada ang Bolts at pinatibay ang tsansa na makamit ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Nakabangon din ang Meralco sa magkasunod na talo sa NLEX (101-104, overtime) at San Miguel Beer (92-103).

Ang mga huling makakalaban ng Meralco ay Blackwater, Terrafirma at Magnolia.

Naputol ang five-game streak ngunit nanatili ang Gin Kings (7-3) sa likod ng NLEX at Rain or Shine, parehong 8-2.

“This was big. This was a team on a winning streak and they solidified themselves in Top 4 and this now gave us a bigger chance to make Top 4 (too),” ani Meralco coach Luigi Trillo.

“Top 4 (with the win-once edge in the quarterfinals) is really crucial whenever you’re trying to win a championship. You’d want every advantage you can get and Top 4 is definitely an advantage,” dagdag ni Chris Newsome.

Ang import na si Marvin Jones ay nagtala ng 18 puntos at kumuha ng nine rebounds, si CJ Cansino ay 18 puntos din, at si Newsome ay gumawa ng 12 puntos at tatlong assist.

Tig-24 puntos naman sina RJ Abarrientos at Justin Brownlee para sa Ginebra.

Sa unang laro, si Tyler Tio ang naging bayani ng Phoenix Super LPG nang magbuslo ng tres, 1.8 segundo ang nalalabi, para sa 100-97 panalo sa overtime kontra TNT.

Sinubukan gumanti ni Roger Pogoy para sa TNT ngunit nabigo.

Tumabla ang Phoenix sa TNT (6-4).

Para makasiguro sa quarterfinals, kailangan na lang ng isang panalo ng Phoenix laban sa Macau sa Mayo 6 o San Miguel Beer sa Mayo 9.

“We knew how important this game was for us and we really played well … we were up for the challenge and I really appreciate the way they played and it just feels good to pull off this upset win,” ani Phoenix coach Charles Tiu.

Pinangunahan ni Ricci Rivero ang Phoenix na may 31 puntos, bagama’t kailangan ilabas sa huling 16.9 segundo matapos masaktan ang isang daliri.

Si Tio ang ipinalit kay Rivero.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles